iMessage
MON | 5:19 PM
Neve:
Tapos na!
Yung puso ko! Grabe! 😩Ran:
yong pitch ba yan?Neve:
Oo. Na-review na ni Miss Julia yung mga nagawa ko.Ran:
ambilis! kamusta?Neve:
😅
Medyo disappointed yata siya. Okay naman daw pero parang may kulang daw yung iba. Isip daw ako bago. Binigyan ako ng time mag-propose pa ng iba o ayusin yung mga nagawa ko na.Milly:
Oh no. How long?Neve:
2 months? 3? Hanggat naghahanap pa raw sila ng gagawing ka-love team, may time pa raw. Nagbago raw kasi plans ng management. Short serye daw muna gagawin bago yung movie.
Alam nyo ba? Si Miss Julia pala talaga pinapagawa ng script no'ng project pero may tiwala daw siya sa 'kin kaya gusto niyang marinig ideas ko at ma-involve ako 🥲
My heart. Kahit rejected, I feel so soft 🥲Ran:
aw :">
deserve naman yan!Milly:
Did she give you any advice ba on what you need to improve or what story they're gunning for?Neve:
Gusto raw nila ng rom-com. Basta yung kakaiba at mapapalabas yung talent ni Ruscoe. Balanse dapat yung comedy at romance, pero may tinge ng drama at angst pa rin.Ran:
may mga rom-com ka diba?Neve:
Oo. Pinakita ko na lahat. Kulang daw. Gawa daw ako bago. Halata daw sa gawa ko na 'di pa ako totoong nai-in love. Kulang din daw ako sa male perspective.Ran:
oh! male perspective hmm 🤔Neve:
Paano ba dapat gawin sa ganito? Nabablangko na 'ko. Parang ngayon ko lahat naramdaman yung pagod.
Baka 'di talaga for me 🥲 Bitawan ko na kaya?Ran:
waq! kaya yan gawan ng paraan!Milly:
Master's right. Don't give up just yet. I'm sure you can come up with something new again. Ikaw pa? We believe in your talent.Neve:
Wala na kasi akong maisip. 'Di ko kayang mag-isip ng kwento from scratch. 'Di ako gano'n ka-creative. Binuhos ko na talaga lahat sa naipasa ko.
Ubos na yata ako 🥲🥲Ran:
kaya wag sarilinin! para di nauubos!
try mo kumuha ideas sa iba
tanong-tanong ka sa mga lalaking friends mo o sa mga may jowa, ganon. ganon lang din ginagawa ko pag kailangan ko ng idea sa book cover. nagtitingin din ako ng pegs sa pinterest etc
need mo lang ng ibang environment at perspective from others
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...