MESSAGES
4 years ago
Neve:
Hi be.
Nagkita kami ng mama mo kanina. Nabanggit ko sa kanya na araw-araw kitang kinakausap dito. Nakikita niya nga raw ang messages ko, pero hindi niya raw binabasa. Plano niya raw palaging gamitin yung cell phone mo para 'di mag-expire yung number mo. Okay lang naman daw kung lagi kitang kakausapin, pero sana raw matuto din akong pakawalan ka.
Nung sinabi ng mama mo 'yon, parehas kaming umiyak, be. Ang hirap-hirap kasi. Ang sakit pa rin. Maayos ka pa no'ng huli tayong magkita tapos biglang mawawala ka. Pero 'wag mo kaming isipin. Magiging okay din kami. Dalawang buwan na rin naman. Ang mahalaga, masaya ka na d'yan.
Mahal ka namin, be. Miss na miss na rin kita.
Sweet dreams lagi.
Goodnight.
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...