34

7.2K 206 5
                                    

TWITTER

Neve 🔒 @NeverSayNeve • 3d

Ang hirap na nasanay ka nang araw-araw na ginagawa 'yon. Ngayon na kailangan mo nang huminto, parang biglang may kulang 🥲

💬 2 🔁🤍 0




Neve 🔒 @NeverSayNeve • 2d

Napansin na naman sa trabaho na lutang. Iniisip ko kasi kung ano-ano mga pinagsasasabi ko noon at ano-ano ang mga nabasa niya. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Nakakahiya. Mali. Nakakahiya talaga.

💬 0 🔁🤍 0




Neve 🔒 @NeverSayNeve • 1d

Kailan pa napunta sa iba yung phone? Kailan pa niya nababasa? Gaano katagal na? Kada natingin ako sa phone, grabe kaba ng dibdib ko. 🥲

💬 0 🔁🤍 0


Neve 🔒 @NeverSayNeve • 1d

Magkahalo yung gusto kong magtanong at gusto kong ibaon na lang 'to sa limot. Kada natingin ako sa phone, 'yon at 'yon lang naaalala ko 🥲

💬 0 🔁🤍 0




Neve 🔒 @NeverSayNeve • 15m

Delete ko na ba? Block? Para matapos na 'to at matahimik na 'ko? Kahit number ng best friend ko 'yon? 🥲

💬 0 🔁🤍 0



Neve 🔒 @NeverSayNeve • 15m

Mali. Mali. Erase. 'Di dapat ako nagpapaapekto sa work. Kaya ko 'to. Kakayanin. 🥲

💬 0 🔁🤍 0

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon