iMessage
2 years ago
Neve:
Hi be.
Swerte din talaga ako sa kaibigan, 'no? Kakatuwa. Meron akong Byron. Meron akong Milly at Ran. Meron akong ikaw. 🤗
Sobrang worried yata sa 'kin ni Milly kasi biglang nagpadala ng iced coffee and bagels sa work. Tapos si Master naman, pag-uwi ko, sabi ni Mama na may pinadala rin na pagkain. Chicken wings! Ang sarap! Ang saya-saya ko sa ginawa nila. Small things na ganito ang nagpapaisip sa 'kin na may mga magaganda pa rin talagang mapupulot sa sakit kasi doon lumalabas kung sino talaga ang para sa 'yo.
Kay Dennis naman, 'di niya hinihingi, pero pinapatawad ko na siya. Palalayain ko na yung sarili ko dito sa sakit. Sabi rin kasi ni Milly na 'wag kong pakinggan masyado ang sinabi niya dahil 'di naman 'yon ang measure ng worth ko. I realized na tama naman siya. Bakit kaya 'di ko makontrol ang emosyon ko minsan? Sa 'ming tatlo, ako talaga ang emotional, e. Buti na lang may mga kaibigan akong hinahatak ako sa tama.
Ito lang naman ang kwento ko sa ngayon. Pahinga na 'ko, be.
Sweet dreams lagi.
Goodnight.
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...