8

7.4K 266 36
                                    

iMessage

3 years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3 years ago

Neve:

Ang judgmental ko :(

Sabi ko pa, baka masaktan si Milly n'ong lalaking 'yon. Maniniwala ka ba, be, na nakasalubong ko sa Alabang 'yon after shift? Kinausap ako. Kinakamusta si Milly kasi 'di na raw sila nag-uusap. Pinutol daw ni Milly yung communication nila.

Nagulat ako, be. Parang naiyak pa siya sa 'kin. Tinanong niya ako kung may iba na raw ba si Milly pero wala namang nababanggit sa 'kin. Ang sabi niya, tumigil daw si Milly sa pakikipagkita sa kanya kasi na-in love daw siya. Ayaw daw ni Milly ng may feelings sa kanya. Basta gano'n. Naloka yata ako ro'n.

Playgirl yata talaga ang kaibigan ko 😅 Akala ko kasi nagbibiro lang siya na ayaw niya sa commitment. Kaming tatlo yata, ayaw talaga sa relasyon kasi gano'n din si Master.

Mukhang walang magkakapamilya sa 'min someday😅

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon