iMessage
2 years ago
Neve:
Ang dumi-dumi ko. Humingi ng sorry sa 'kin si Dennis at nag-offer na ihatid ako pauwi. Pumayag ako kasi akala ko, okay na kami. Pero 'di pala. May iba pala siyang motibo.
Pinilit niya 'kong dalhin sa motel, be. Iyak ako nang iyak sa byahe. Nagpapababa ako. Takot na takot ako. 'Di ko alam ang gagawin. Akala ko naman kasi, kahit paasa siya, mabuti pa rin siyang tao. Bakit gano'n?
Mabuti na lang online si Milly. Sinabi ko ang nangyayari. Mabuti na lang din nabanggit ni Dennis sa'n niya ako dadalhin kaya nasabihan ko si Milly.
Malayo si Milly kaya 'di siya nakarating kagad. Barkada niya na malapit doon sa area ang sumalubong sa 'min bago pa man ako mahatak ni Dennis pababa ng kotse.
Nagkaron ng away, be. Gusto ni Milly na kasuhan ng harassment si Dennis, pero humingi ng tawad. Dumating ang pamilya at humingi rin ng tawad. Alam mo bang may asawa na pala 'yon? 'Di kasal, pero may anak. Baby pa. Nang makita ko yung baby, lalo akong nanghina. 'Di ko na tinuloy yung reklamo.
Ang dumi-dumi ng pakiramdam ko. 'Di ako pinauwi ni Milly sa 'min kasi wala ako sa sarili. Nandito ako sa Ortigas ngayon.
Thankful ako na nasa area lang ang barkada niya. Ollie raw ang name. Kung 'di siya dumating, ano na kaya ang nangyari sa 'kin?
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...