MESSAGES
4 years ago
Neve:
Hi be.
Ilang linggo na rin akong sumusubok maghanap ng trabaho. Puro interview lang. Laging babalikan ako, pero wala naman kahit anong usad. Wala raw kasi akong substantial experience. Nagtataka sila bakit sa gano'n ako nag-a-apply at 'di sa field ko. Nawawalan na yata ako ng pag-asa na ituloy yung pangarap natin. Parang 'di para sa 'kin. Parang 'di talaga ako para doon.
Tingin mo, dapat ba pakinggan ko na lang si Mama? Subukan ko na siguro, 'no? Baka mas may pag-asa ako doon. Kailangan ko na rin kasing mag-work. Kailangan ng tulong ni Mama para pag-aralin sina bunso at Kuya lalo na magka-college na rin 'yon.
Hays. Kailangan ko yatang ipagpaliban ang pangarap natin.
Pahinga na 'ko, be. Sakit na rin kasi ng ulo ko.
Sweet dreams lagi.
Goodnight.
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...