walang tulugan
MON | 2:11 PMClariss:
@Neve!!!!
tru ba?
ayon sa kinauukulan! pinagpipitch ka raw para sa magiging movie ni rusc?Neve:
Sinabihan lang din ako ni Miss Julia. 'Di naman siguradong makukuha pero bibigyan niya raw ako ng chance.Clariss:
omg ka bruha ka! kaya pala ang lala sayo ni ursula lately! kala ko pmsing lang si lola mo, hinahasa ka lang pala!
bruha! congrats! painom ka naman!Neve:
Hahaha. Sige, chuckie! Thank you pero wala pa naman 'yon. 'Di naman sure.
Kinakabahan nga ako!Clariss:
isip na bakla! may nasulat ka na ba?Neve:
Meron naman na 'kong mga nagawa. Ilalabas na lang sa baul. Pero parang kinakabahan ako. Parang dapat mas maayos pa doon ang ipasa.Clariss:
may ideas ka na ba kung gagawa ka ng bago??Neve:
Wala pa. Iisip pa langClariss:
good luck!! pag story mo nakuha, ihalik mo na lang ako kay ruscoe!Neve:
🥲🥲
Kung makukuha.Clariss:
manifest it bakla!
yan na pangarap mo!
grab it!Neve:
🙏🏻
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...