10

7.8K 254 90
                                    

iMessage

2 year ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2 year ago

Neve:

Ang sakit. Ganito pala yung pakiramdam na magkagusto ka sa lalaking sinabi sa 'yo na may gusto siya sa 'yo, pero biglang tumigil sa panliligaw kasi mahirap ka raw pakisamahan. Masyado raw negative mag-isip. Masyadong pessimistic. Masyadong overthinker. Kaya nawalan na ng gusto. Nakakawalang gana raw.

Sabi na, e. 'Di ko na dapat sinubukan pa. Mali rin na sinubukan kong makipagrelasyon sa katrabaho. Ang awkward tuloy namin ngayon.

Bakit gano'n, be? Siya naman ang nanligaw at nanggulo sa 'kin. Wala naman akong gusto sa kanya nung una.

Pero bakit ako ngayon yung 'di matigil ang pag-iyak?

Ang sakit sa puso. Kung saan-saan na nga ako dinala nina Milly kanina para pasiyahin. Ipapahiram pa nga raw ni Ran sa 'kin si Fluffito para gumaan pakiramdam ko. Gumana naman. Pero ngayon na nakauwi ako, naaalala ko na naman.

'Di na dapat talaga ako nagkagusto kay Dennis. Ang hirap maging perfectionist pala. 'Di maiwasan ang mag-overthink. Nasabihan pa tuloy akong nega. Ang sa 'kin lang kasi, gusto ko lang naman malaman talaga kung totoo yung feelings niya sa 'kin. Mali bang manigurado? Na dumaan kami sa tamang proseso?

Kasi, be. Inaaya niya ako. Pero tumanggi ako. 'Yon yata ang rason bakit bigla siya nanlamig sa 'kin. Gano'n ba 'yon? Kapag ba nagmahal, dapat ba ibigay na kagad ang sarili? Paano yung mga katulad kong takot sa gano'n? Wala na ba kaming lugar sa open-minded at liberated na mundo na 'to? Nakakatakot pala.

Itutulog ko na lang siguro 'to. Kanina pa rin kasi ako naiyak.

Sweet dreams, be.

Goodnight.

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon