MESSAGES
4 years ago
Neve:
Hi be.
Sinunod ko ang advice ni Mama. Tama nga siya. Accounting nga siguro ang nakalaan sa 'kin. Apat na final interviews kagad in one month. Tapos ngayon, for job offer na ako doon sa main choice ko.
Iga-grab ko na 'to nang makatulong na rin ako kagad kay Mama sa gastusin sa bahay. Nakakahiya na rin kasi na ilang buwan na 'kong naghahanap ng trabaho.
Nag-offer si Milly na doon ako sa condo niya tumira, pero tinanggihan ko. Nakakahiya naman kasi. Saka alam mo minsan, naiinggit ako kay Milly. Kasi kaka-graduate lang din niya, pero 'di niya kailangan maghanap ng trabaho gaya ko. Bukod kasi sa mayaman na talaga sila at may malaking business pa ang papa niya, sumisikat na rin kasi siya ngayon sa social media. Marami-rami na rin ang kumukuhang brands sa kanya kaya kayang-kaya niya ang sarili niya. Si Ran naman, graduating pa lang pero ang dami na ring gigs kaya may income na. Ako lang yata ang napag-iiwanan :(
Pero kakayanin ko 'to. Dapat kayanin!
Tulog na 'ko, be.
Sweet dreams d'yan.
Goodnight.
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...