6

7.8K 223 1
                                    

MESSAGES

4 years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4 years ago

Neve:

Hi be.

Monthsary ko kahapon sa work. Four months na rin pala, ang bilis talaga ng panahon. 'Di ko na namalayan kasi gabi-gabi naman kitang kinakausap.

Masaya naman ako sa trabaho. 'Di ko rin inaasahan pero kahit papaano, na-e-enjoy ko naman ang accounting. Maayos din ang mga kasama ko. Tulad ng kwento ko sa 'yo kahapon, may isang parang pumoporma sa 'kin pero 'di ko maintindihan. Baka ako lang. Baka sensitive lang ako masyado. Hayaan ko na lang muna siguro.

Medyo nalulungkot ako, be. May parte ko na gusto pa rin ipagpatuloy yung pangarap natin pero parang palayo na nang palayo 'yon. Tiisin ko na lang ba 'to?

Tulog na muna ako. Maaga pa bukas.

Sweet dreams lagi.

Goodnight.

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon