iMessage
1 year ago
Neve:
Be!!
Alam mo ba!! Lumalayag yata ang ship ko. Hahahaha! Grabe! Kaines! Kinikilig talaga ako!
Lumipat na si Master sa condo ni Milly. Pero. Alam. Mo. Ba?
Si Nixon daw ang naghatid!! OMG! May pag-asa kaya? May pag-asa ba?
Nako. Kung may pag-asang magka-love life si Master, malamang si Milly din. Kinikilig talaga ako. Ang pangarap ko talaga, makita ang dalawang 'to na magmahal. Masyado kasi silang skeptic?
Ako, gusto kong magmahal. Gusto kong magkapamilya one day. Ang problema ko lang, yung sarili ko at mga bagahe ko. 'Di naman kasi ako mapera, maganda, o sexy. Tapos overthinker pa 'ko at laging 'di sineseryoso.
Sila kasi, iba e. Magaganda naman, maaayos, at may kaya. Pero iba ang issues. Kanya-kanya talaga tayo ng issues 'no? Kaya mahirap din talaga magkumpara. 'Di naman kasi natin nakikita ang pinagdadaanan ng lahat.
Si Master kasi, walang tiwala sa lalaki dahil nga indecisive lahat ng mga lalaking nakapaligid sa kanya. Tapos lagi pang nagsisigawan sa bahay nila. Ayaw niyang maging gano'n :(
Si Milly naman, sa love mismo 'di naniniwala. Pretentious concept daw ang love. Nothing but chemical reactions ng katawan, 'yon ang sabi niya. Biro lang naman niya 'yon pero alam kong half-joke 'yon.
Feeling ko nasasabi lang niya 'yon dahil kahit na mahal na mahal siya ng pamilya niya at binibigay lahat ng gusto niya, naiwan siyang mag-isa. Nakwento ko na ba sa 'yo? Complicated kasi ang family ni Milly.
Workaholic ang mga magulang. Tapos may anak pa sa iba. Sabi ni Milly, 'di naman daw nag-cheat. Sadyang naghiwalay lang pero magkasama pa rin sa iisang bahay no'ng bata siya para daw sa kanya. No'ng nag-highschool siya, saka na naging busy lalo sa work, to the point na 'di na umuuwi sa kanya. Hanggang sa naghiwalay na nga at nagkaro'n ng sari-sariling pamilya no'ng nag-college siya.
Sabi ni Milly, maayos naman daw siya kasi tanggap niya ang sitwasyon nila, bata pa lang siya. Mahal naman daw siya at 'di pinababayaan. Pero minsan, ramdam ko. Hinahanap ni Milly ang sarili niya sa labas. Nag-e-explore siya sa labas. Masaya. Pero sa labas lang din. Ramdam ko, bilang kaibigan, na minsan, ramdam niyang may kulang.
Grabe kasi mag-alaga 'yon. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan kami ni Ran mag-isa kasi no'ng bata raw siya, wala ang mga magulang niya para sa kanya. Nando'n in spirit, pero in flesh? Wala.
Reading between the lines, parang sa ganyan ko nahihimigan na malungkot yata siya. 'Yon ba ang reason bakit lagi niya kaming inaaya mag-move in?
Hays. Ang daldal ko na naman, be 😆 Pasensya na.
Pahinga na tayo.
Sweet dreams lagi.
Goodnight.
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...