28

6.8K 268 51
                                    

iMessage

1 month ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1 month ago

Neve:

Pagod na 'ko, be.

Pagod na pagod na 'ko. Ang sama-sama ng loob ko. Bakit 'di magkasundo ang mga kapatid ko? Wala na ngang naitutulong kay Mama, dumadagdag pa sa sama ng loob niya?

Tapos alam mo ba, be. Si Ate... inaway ulit si Mama. May nawala na naman kasi siyang alahas at si Mama na naman daw ang huling nando'n kina Nanay. Sa kanya na naman sinisisi yung mga nawala. 'Di ba niya naisip na sa 'min nga nanggaling ang pinangtutustos niya? Bakit gano'n sila makapagsalita? Ayoko sana sila pagsalitaan kasi ayokong makasakit. Pero nahihirapan akong makitang umiiyak si Mama.

Sa trabaho naman, lagi pa akong pumapalpak. Sabi ni Miss Julia, laging may kulang sa scripts ko. Laging walang puso. Walang spirit. Kulang daw ako sa tamang emosyon. Dapat daw lumabas ako sa mundo ko para makapagsulat ako ng mundo ng iba. 'Di na natutuwa sa 'kin si Ma'am Arishe, 'Yung creative head namin. Baka ma-fire ako sa lagay na 'to.

Ang bigat.

Wala akong ibang mapagsabihan. Si Milly, busy 'yon sa rami ng ginagawa niya. Si Ran naman, ayoko namang sirain yung good mood niya. Busy rin kasi 'yon sa trabaho. Saka kilala ko na 'yon, e. Sasabihan lang ako n'on na bitawan lahat ng mabigat. Na unahin ko ang sarili ko at magpahinga 😰 Natatakot akong marinig 'yon kasi baka 'yon nga ang gawin ko.

Pagod na 'ko, be. Gusto ko nang sumuko. Ang hirap maging breadwinner. Sunod-sunod din ang gastusin ko dito sa bahay. Nalulunod na 'ko. Gusto ko nang sumunod sa 'yo.

Sana pwedeng sumuko. Saka baka ito na rin pala ang huling text ko sa 'yo, be. Naisip ko lang kasi. Dapat palayain na rin siguro kita. Baka kaya 'di ako maka-move on, kasi kinukulong pa kita. Baka 'di ka rin mapayapa dahil sa 'kin.

'Wag mo na 'ko isipin. Magiging maayos ako. Kahit gusto ko nang mapagod minsan.

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon