iMessage
MON | 6:31 PM
Neve:
Hi be.
Sabi ko, huli na 'yon. 'Di pa pala. Miss na miss na kasi kita.
Under probation ako ngayon dahil sa quality ng mga nagagawa kong scripts. Lagi daw akong lutang at laging problemado. Bumababa din kasi ang ratings namin kaya medyo intense ngayon sa prod.
Tapos... stressed pa 'ko sa bahay kasi si bunso, nagta-tantrums. May mga gustong ipabili na ang mamahal, 'di ko naman afford. Ang tingin ba nila sa 'kin, gano'n kadali kumayod ng pera?
Pagod na 'ko. Hays. Gusto ko na ipahinga 'to.
Pupuntahan kita, be. Kahit ngayon lang, payagan mo naman akong maging mahina.
Kahit ngayon lang, payagan mo na 'kong sumuko.
Iwan ko na muna sila.
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...