In which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds.
***
An MNR epistolary collaboration wit...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
4 years ago
Neve:
Hi be!
Kamusta ka na? Ang daya mo naman. 1 week ka nang wala pero parang nandito ka pa rin. Ang sakit sakit pa rin, alam mo ba 'yon? Pakiramdam ko nawalan ako ng kapatid, yung nag-iisang tao na nakakaintindi sa 'kin nang buo. Kahit may iba naman akong mga kaibigan, kahit nand'yan sina Milly at Ran, iba ka pa rin talaga sa lahat.
Grabe naman kasi yung naging sakit mo. Ang tagal mo rin naghirap dahil d'yan. Pero at least ngayon payapa ka na. Sana masaya ka na, be.