MESSAGES
4 years ago
Neve:
Hi be.
Sorry hindi ako nakapag-text kahapon. Napagod kasi ako sa graduation. Sa totoo lang mabigat ang loob ko. Si Mama kasi, gusto talaga na i-push ko ang pagiging accountant tutal 'yon ang natapos ko. Pero wala talaga sa puso at sistema ko, e. Kaya susubukan ko sanang maghanap ng trabaho as scriptwriter sana o content writer. Mahirap nga lang kasi 'di naman 'yon ang natapos ko at wala akong experience maliban sa mga scripts na ginawa ko sa org noon.
Naalala mo pa ba 'yon?
Pinanood mo pa nga yung first play ko. Salamat talaga, be. Ikaw talaga ang rason bakit nagpatuloy ako kahit na daming pumipigil. Pangarap nating dalawa 'to kaya gusto ko sana ako na tutuloy ng pangarap mong makabuo ng movie. Gusto ni Mama pakawalan na kita, pero 'di niya kasi gets yung feeling na mawalan ng bestfriend. Ikaw kasama ko buong college. Sabi mo pa sabay tayong ga-graduate. Pero bakit naman bigla kang nawala?
Hays. 'Di na matigil 'tong dami ng iniisip ko. Itutulog ko na lang muna siguro 'to, be.
Sweet dreams.
Goodnight.
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...