209

5.4K 214 9
                                    

TWITTER

Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Rollercoaster ride. Sabi na nga ba. Dapat 'di na talaga ako nagbukas ng Facebook.

💬 0 🔁 0 🤍 0


Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Bakit ang dali-dali sa kanilang sabihin ang mga 'yon? Na parang 'di ako tao na nakakaramdam? 'Di rin naman nila ako kilala at 'di nila alam ang totoong nangyari. Bakit sila pa ang may gana magsalita? :(

💬 0 🔁 0 🤍 0


Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Ganito na ba talaga kadali manakit ng ibang tao basta 'di ka naaapektuhan? 😭

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Gusto nila maging perpekto ako. Napakataas ng standards nila.

Okay lang sa kanila na saktan nila ako. Pero bawal kong depensahan ang sarili ko?

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Bakit gano'n? Bakit nawawalan sila ng puso porket 'di nila ako kilala o nakikita?

Bakit napakadali sa tao ang maging mapanghusga at malupit sa kapwa?

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Bakit okay lang sa kanila na ipitin at apakan ako? Kung may mga pagkakamali at pagkukulang ako, ibig sabihin ba n'on, bawal na rin akong matuto at magbago? Bakit kailangan dapat lahat perpekto na?

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Bakit ang sama para sa kanila na lumalabas kami ni Kamahalan? Kami naman. Buhay naman namin 'to. Bakit parang kasalanan ko pa na nagmahal ako? Bakit malandi kagad 'yon kung nakuhanan man kaming magkayakap? 😣

💬 0 🔁 0 🤍 0


Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

'Di ba siya pwedeng mahalin? O mga perpektong tao lang ba ang pwedeng magmahal sa mga katulad niya? Sabi naman niya... ordinaryong tao lang din siya...

Bakit gano'n sila? Kaya pala gano'n na lang ang lungkot ni Big Boss.

💬 0 🔁 0 🤍 0


Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Bakit nila dinidiktahan ang buhay ng iba? 😭

💬 0 🔁 0 🤍 0


Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Naluluha na naman ako. Pero pagbibigyan ko na ang sarili ko. Isang iyakan na lang. Tapos nito... magmu-move on na talaga ako.

💬 0 🔁 0 🤍 0







iMessage

TUE | 4:19 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TUE | 4:19 PM

Ran:
nebibi TT ^ TT
yong tweets TT ^ TT
banas na banas pa rin ako sa comments
ako na aaway, gusto mo?


Milly:
Right. I've been reporting people left and right. They're AWFUL.
But you're an angel. We love you, okay?
It's not your fault.
They don't know you and they should SHUT UP.


Neve:
😭😭😭
I love you both.




Ran:
hugggssss
tara dito?




Milly:
Or kami magpunta jan?




Neve:
Wag na muna. Feeling ko dapat ko muna i-process lahat para gumaan na rin ang dibdib ko.




Ran:
oki :<
dito lang kami tehh


Milly:
Just hit us up if you need us, okidoks?



Neve:
Oki! Thank you 🥺❤️🥺❤️

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon