"Huh?" Napatayo ako.
"Sabi ko okay ka lang ba?" He smirked. His eyes were like those of fox's.
"Malamang hindi." I smirked.
"Pilosopo. Pasalamat ka niligtas kita." Napabuntong hininga siya.
"Edi thank you." Napayuko ako.
"Hindi sincere. Libre mo na lang ako someday." Inalalayan niya ako.
"Saan mo ako dadalhin?" Hinawakan ko ang braso niya.
"Malamang sa clinic. Bugbog sarado ka oh. Alangan naman dalhin na kita agad sa sementeryo." He rolled his eyes.
"Aish! Mas pilosopo ka."
"Manahimik ka na lang. Kailangan mo magamot agad." Sabi niya.
Dinala niya ako sa clinic. Pagpasok namin ay agad akong dinaluhan ng nurse.
"Nurse, pakigamot yung mga pasa niya." He smiled. He's William Sun. He was born Korean pero dito na nakatira sa Pilipinas for 10 years already. Yun ang dahilan ba't marunong siya magtagalog. Balita ko ulila na siya kaya nakatira siya sa bahay ng tiyuhin niyang Koryano na nakapangasawa ng Pinay.
Habang ginagamot ako ng nars, napatingin ako kay William na nasa sofa. Di kami magkaklase kaya kaunti lang ang alam ko sa kanya. Sabi nila tahimik daw ito at mukhang weak pero kanina, they proved me wrong. Takot sina Leon sa kanya.
"Wag mo ako titigan. Di ako painting." He smiled. His smile radiate like a sun. Umiwas ako ng tingin.
Pagkatapos akong magamot, nilapitan ako ni William.
"Sa susunod, wag kang magpabugbog." Then he smiled. Napatulala ako.
"See ya around." He waved at me with a smile. My heart skipped a beat. It feels like the sun has finally arrived in my dark world.
BINABASA MO ANG
10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AU
RomanceRiki's world has been dark all along. When his "sun" arrived, everything changed. But what if it's temporary, not permanently? Will he accept his "sun's" fate? P.S. this is TAGLISH Date Started: December 12,2021 Date Ended: March 01, 2022 🏅#1 SunKi