𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 30: 𝑯𝒐𝒍𝒊𝒅𝒂𝒚 𝑫𝒂𝒕𝒆

45 3 0
                                    

𝐾𝑖𝑡𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑙 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑦𝑎.

Napangiti ako sa text ni Sun. Wala ng pasukan kaya malaya kaming makakapag-date at paparating na rin ang Pasko.

𝑆𝑒𝑒 𝑦𝑜𝑢, 𝑚𝑦 𝑆𝑢𝑛.

Napabuntong hininga ako sa reply ko. Medyo kinakabahan ako. Di kasi kami nagkita nung Christmas Party kasi isinama siya ng parents niya sa Mindoro para sa isang family gathering daw.

Nagbihis na ako kanina pa kaya napatingin ako sa salamin kung ayos ba porma ko.

"Ahem!" Nagulat ako nang makita ko si Ate Sunki sa pintuan na nakahalukipkip.

"Ikaw pala ate." I smiled.

"May lakad kayo ni Sun?" I nodded.

"Oh well basta wag ka lang magpapa-late sa noche buena mamaya okay? Sige ingat." Lumabas na siya ng kuwarto.

Agad kong kinuha ang wallet ko saka lumabas at tumungo ng mall.

Pagdating ko andun na si Sun.

"Shet!" Napamura ako ng wala sa oras.

"Did I make you wait?" I asked him. He just smiled.

"Oyy sagutin mo tanong ko." I pouted my lips.

"Relax. I just arrived three minutes earlier than you." He grabbed my hand at pumasok na kami sa mataong mall.

Pumunta kami sa east wing dahil andun ang Christmas Tree.

"Anlaki." He gasped when he saw the giant Christmas Tree.

"Oo nga." Napanganga din ako saglit.

"Alam mo sabi nila mas maigi daw mag wish kasi nagkakatotoo." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Try ko." He closed his eyes. Sumunod din ako.

"Done." He smiled.

"Anong wish mo?" I asked him.

"Sana humaba pa buhay ko." Sabi niya. Natawa ako. Napatingin siya sa akin.

"Ba't ka tumawa?"

"Kasi mabubuhay ka naman talaga ng matagal. Kung ano ano na lang iniisip mo." I pinched his cheek.

He smiled but I knew it was a faint smile.

"Ikaw? Ano wish mo?" He asked me.

"Maging tayo sa mahabang panahon." I winked at him.

"Sana." He held my hand and then we went to a near restaurant para kumain.

10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon