"Riki, salamat." Sabi niya habang papalabas kami ng mall. I just smiled.
Nang humarap na siya ay biglang nanlaki ang mata niya. Nagulat ako nang bigla niya akong hinatak papasok ulit ng mall.
"Anong meron?" Nakakunot ang noo ko.
"Si Dad at Mom." Sabi niya habang sinisilip ang nasa di kalayuan. Nanlaki ang mata ko.
"Jagiya, I'll just go to the restroom." Narinig namin ang papa ni Sun kaya napatingin kami sa likuran namin. Shuta nasa harap kami ng pintuan ng men's comfort room.
Agad kami pumasok sa loob ng banyo at nasa isang cubicle kami. Narinig namin na nag hum ang papa ni Sun. Then narinig namin siya na naghugas ng kamay.
"Oh?!" Nanlaki ang mata namin ni Sun.
"Apat na paa sa isang banyo? Naks public place to oi." Tumawa ang papa ni Sun. Pinigilan naming tumawa. Agad akong nakaisip ng palusot.
"Ah anak ko tumatae sir. Sinamahan ko." I deepened my voice para maging kapani-paniwala.
"Ah sensya na. Sana walang narinig yung anak mo." Sabi ng papa ni Sun.
"Pa. Sakit." Nagboses bata si Sun. Di na namin narinig ang papa niya kaya lumabas na kami. Pinagpapawisan kami.
"Muntikan na tayong mahuli." Sabi niya.
"Oo nga." I wiped my face.
"Nauuhaw ako. Tara na." Agad niya akong hinila palabas. Buti na lang at wala na ang papa niya. Bumili kami ng tubig. Uhaw na uhaw kami. Natawa ako sa kinalabasan ng date namin.
BINABASA MO ANG
10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AU
عاطفيةRiki's world has been dark all along. When his "sun" arrived, everything changed. But what if it's temporary, not permanently? Will he accept his "sun's" fate? P.S. this is TAGLISH Date Started: December 12,2021 Date Ended: March 01, 2022 🏅#1 SunKi