𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 04: 𝑴𝒊𝒏𝒕 𝑪𝒉𝒐𝒄𝒐

105 3 1
                                    

"I-claim ko mamaya yung libre mo ah?" Ngumiti si William Sun habang nililigpit ang lunch box niya. I nodded. Then he left. Napabuntong hininga ako.

Medyo maayos lang ang klase ko sa hapon. Di gaanong hectic. Pagdating ng alas kuwatro ay nagligpit na ako ng gamit. Palabas na ako nang..

"Annyeong." Nanlaki ang mata ko nang makita ko si William Sun na nakasandal sa pader. He smiled right after.

"Nagulat ka." He smirked.

"Ah may iniisip lang." Palusot ko. Para akonc pinagpapawisan sa leeg.

"Tapos na ang klase niyo?" Tumango ako.

"Okay good. Libre mo na ako." Sabi niya.

"Ah ihahatid ko muna sa locker ang mga ito." Tumingin ako sa mga aklat ko.

"Sasama na ako." Sabi niya at nauna na siyang naglakad. I sighed.

Habang ipinasok ko ang mga aklat ko, napansin ko na panay siya tingin sa cellphone niya. Isinara ko ang locker at saka hinarap siya.

"Ano ang gusto mong kainin?"

"Mint choco ice cream." He smiled.

"Wala tayo sa Korea." Sabi ko.

"May nagbukas ng ice cream shop malapit dito." Sabi niya habang naka pout.

I sighed. Pinaghaandaan niya ata ang araw na ito. I nodded. Agad kami nagtungo doon.

"Mint chocolate ice cream ate." He smiled.

"Same na rin sa kanya." Sabi ko.

Minutes passed and the order came. I saw how he smiled while eating his mint chocolate ice cream.

"Your favorite?" Napaangat ang tingin niya sa akin.

"Yes. All-time favorite." He smiled. Tapos may tiningnan siya at biglang kumunot ang noo niya.

"Yah! Yung ice cream mo natutunaw aish!" Nakasimangot siya habang kumakain. Kumain na rin ako. Tapos tiningnan siya. I smiled.

A sunshine melted my heart.

10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon