𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 25: 𝑪𝒂𝒓𝒗𝒆 𝑶𝒖𝒓 𝑵𝒂𝒎𝒆𝒔

53 2 0
                                    

"Muntikan na yun haha." Natawa si Sun. Kasalukuyan kaming naglalakad sa park malapit sa mall.

"Kinabahan ka noh?" I teased him.

"Oo. Di ako nagpaalam. Sabi ko lang maglilibot lang ako sa village." He grinned.

"Pasaway ka din haha."

"Bakit? Nagpaalam ka ba?" Tiningnan niya ako.

"Wala namang pakialam sa akin ang parents ko kaya no need na magpaalam." Napatango tango siya.

"Upo muna tayo saglit." Umupo kami sa isang bench. May puno kaya di mainit kahit alas tres palang ng hapon.

He sipped the milktea he bought earlier. Napagtanto ata niya na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?" Napapunas siya sa mukha niya gamit ang puting panyo niya.

"Wala. I was just amazed by your charm."

Nakita ko na namula siya kaya napayuko siya.

Tumayo ako kaya napatingin siya sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Dito lang." Sabi ko sabay lapit sa isang puno na nasa likuran ng bench na inupuan namin. I grabbed a sharp object.

"Anong gagawin mo?" He looked amused and curious.

"Tingnan mo nalang." Nagpatuloy ako sa pag-ukit.

"Sun? Ako?" Napaawang ang bibig niya. I just smiled.

"Riki." Sabi niya. Tinapos ko ang pag ukit sa pamamagitan ng pag ukit ng hugis puso na nakapalibot sa pangalan namin.

"Sun Love Riki?" He raised an eyebrow.

"Bakit? Bawal ba?"

"No. I mean di pa nga kita sinasagot tapos inukit mo na pangalan natin sa puno na yan. Di nga natin alam kung magtatagal tayo." Napayuko siya.

"So iniisip mo na magtatagal tayo?" I smirked.

"Ha? Wala akong sinabing ganun." Hinampas niya ang braso ko.

"Yaan mo na lang yan. Puno pa lang yan. Sa susunod, sa puso mo naman." I winked at him. Napangiti siya.

10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon