𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 06: 𝑪𝒉𝒊𝒏𝒈𝒖

92 3 0
                                    

"Riki!" Bungad sa akin ni ate habang isinara ko ang gate. Napabuntong hininga ako.

"Riki, let's talk."

"Wag na ate. Lagi nalang akong napapahamak pag kausap kita." I glared at her. Pumasok na ako at dumiretso sa kuwarto ko.

Agad akong humiga. Kinapa ko ang bulsa ko.

"Oh?!" Nilabas ko ang nakapa ko at nakita ko ang isang panyo. May nakasulat dito.

"Chingu? Ano yun?" Napakunot ang noo ko.

Inalala ko kung kelan ko ito nakuha.

[𝐅𝐥𝐚𝐬𝐡𝐛𝐚𝐜𝐤]

"Restroom lang ako." Ngumiti si Sun sa akin. Nakita ko na nahulog ang panyo niya. Agad ko itong pinulot at nilagay sa bulsa ko.

[𝐄𝐧𝐝 𝐨𝐟 𝐅𝐥𝐚𝐬𝐡𝐛𝐚𝐜𝐤]

"Kay Sun pala. Aish. Bukas ko na lang ito ibibigay." Napabuntong hininga ako.

Umidlip muna ako. Nagising ako mga bandang alas diez ng gabi. Nagutom ako at tumingin ng makakain sa ref. Walang natira. Napabuntong hininga ako.

"Ito. Tinabi ko para sa'yo." Nagulat ako nang magsalita si ate Sunki at inabot sa akin ang isang plato na may pagkain.

"Salamat pero di pa rin kita kakausapin." Sabi ko at pumunta na sa kuwarto para doon kumain. Pagkatapos ay niligpit ko na.

Kinabukasan, inabangan ko si Sun pero wala siya. Pagdating ng tanghali, agad akong pumunta ng cafeteria nagbabakasakali na makita siya. Pero wala. Wala siya. Napabuntong hininga ako.

Pagdating ng hapon, inabangan ko siya sa labas ng classroom niya. Alam ko last subject niya.

Nang lumabas siya at nakita ako ay napahinto siya saglit at nakita ko na nanlaki ang mata niya.

"Riki? Anong ginagawa mo dito?" His eyebrows twitched.

"Ah gusto kong isoli ito. Nahulog mo kahapon tapos nakalimutan ko ibigay." Inabot ko ang panyo niya.

"Nasa iyo pala. Salamat." He smiled.

"Walang anuman." I smiled shyly.

"Alam mo ba ano ibig sabihin ng chingu?" Tanong niya ng biglaan.

"Hindi." Napailing ako.

"Friend." He smiled.

"Friend?" Ulit ko.

"Oo. Simula ngayon magkaibigan na tayo ah." Sabi niya. I nodded shyly.

Friend. He's my sunshine friend.

10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon