𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 10: 𝑴𝒖𝒏𝒄𝒉𝒌𝒊𝒏𝒔

66 2 0
                                    

"147 pesos po, sir." Sabi ng tindera. Agad akong kumuha ng pera at nagbayad. Andito ako sa isang grocery store para bumili ng kakailanganin ko sa ibibigay ko kay Sun.

Sinunod ko ng mabuti ang procedure. Nang ma-satisfy na ako ay inilagay ko sa isang special box ang gawa ko saka ko inilagay sa refrigerator.

Kinabukasan ay busy ako masyado sa umaga kaya di ko napuntahan si Sun. Nang mag alas tres na at saka ako nabakante ay agad akong tumungo sa library. Library period ngayon nina Sun. Bitbit ko ang special box.

"Sun." Bumulong ako sa tainga niya at napatalon siya sa kinauupuan niya.

"Sshhh! Quiet!" Sigaw nung librarian.

"Ano ba? Ginulat mo ako." Bulong niya.

"May ibibigay lang." I smiled.

"Sa labas na. Patapos na din ako." Sabi niya sabay ligpit sa gamit niya. Tumungo kami sa isang bench.

"Ano yan?" Tingin niya sa special box.

"Para sa'yo." I smiled habang inabot yun sa kanya.

Nakakunot ang noo niya nang buksan niya ito. Bigla siyang ngumiti.

"Wahhh! Munchkin!" Agad siyang ngumuya ng munchkin.

"Ayos lang ba? First time ko gumawa hihi." Napayuko ako.

"Oo. Masarap siya. Favorite ko ito hihi." Nakangiting sabi ni Sun.

"Nagustuhan mo?"

"Oo sobra. Salamat. Badtrip ako kanina pero munchkins saved my day." Napapikit siya habang nginuya ang munchkin.

I smiled. He's my munchkin.

10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon