𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 18: 𝑻𝒉𝒆 𝑺𝒖𝒏 𝑫𝒂𝒏𝒄𝒆𝒔

58 2 0
                                    

"Ladies and gentlemen, I will now present to you! Dance Machines!" Nagpalakpakan kami habang isa isang lumabas mula sa backstage sina Sun at mga kasama niya.

Nakita kong ngumiti si Sun. Akala ko ako ang nginitian niya kaya napalingon ako. It's his parents.

Nagsimula na silang sumayaw. Nag cheer kami lahat. Napapalakpak na rin sina kuya Jake at kuya Hoon sa gilid ko.

Bagay sa kanila ang cute concept na sayaw. 10 Months ng Enhypen ang music.

Patapos na ang sayaw nang mapansin ko na nag-iba ang kaninang masayahin na si Sun. Napatingin siya sa likuran ko kaya lumingon ako. I saw his parents slowly walking out.

Natapos ang sayaw nang malungkot si Sun. Dali-dali siyang tumakbo palabas para sundan ata ang parents niya. Napatingin ako kina kuya Jake at Hoon.

Agad kong nakuha ang senyales nila na sundan si Sun.

"Ma! Pa!" Nakita ko si Sun sa field na sumisigaw.

"What was that William?! Didn't I told you na bawal na sa'yo ang vigorous activities? And yet, here you are! Nagrerebelde ka ba?!" Sigaw ng papa niya.

"Theo, kumalma ka. Bawal sa kanya ang masyadong ma-stress." Sabi ng nanay ni Sun.

"Aia, sa tingin mo itong ginagawa niya di nakaka-stress sa kanya?!" Nag-walk out ang papa ni Sun.

"Son, we'll talk later at home okay? I'll talk to your father first." Her mother kissed his cheeks. He remained standing there crying.

Di ako sanay na umiiyak siya ng ganito. Kasalanan ko ito. Di sana siya napagalitan kung di ko siya pinilit na sumayaw. Though I'm happy to see my sun dances but seeing him in this kind of state made me feel guilty.

10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon