𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 39: 𝑳𝒊𝒌𝒆 𝑨 𝑫𝒓𝒆𝒂𝒎

39 3 0
                                    

"Riki, wow naman. Pormang porma tayo ah." Inakbayan ako ni ate Sunki.

Ngayong gabi, magkakaroon ng Student's Party. Bukas na kasi ang graduation ng mga nasa 4th year which means ga-graduate na si ate at kami naman ni Sun next year. Ang party ang magsisilbing kasiyahan muna at imbitado lahat pati na ang mga nasa lower years.

"Shempre kelangan ko maging pogi sa paningin ni Sun." Sabi ko habang inaayos ang necktie ko.

"Haistt. Ambilis ng panahon. Andaming nangyari rin. Ikaw may baby na, ako when kaya?" Nag pout si ate.

"Puro ka kasi studies ate. Pero I know mahahanap mo rin ang lalaking para sayo." Sabi ko.

"Jowa? Sinong may jowa?" Nagulat kami nang nasa labas ng kuwarto ko sina mom at dad.

"Me." I said then I looked at ate Sunki.

"Riki? You're too young for that!" Sigaw ni mama.

"Let him be do what he wants. Tutal naman he's useless." Sabi ni dad.

I couldn't held back my tears.

"Mom, Dad, enough! Ba't kayo ganyan kay Riki? I know you want the best for him pero sobra naman ata na tawagin siyang useless!" Napatingin ako kay ate Sunki.

"Sunki, stop defending your brother." Sigaw ni dad.

"No! Lagi niyo nalang nakikita sa kanya yung mali niya. Kung akala niyo nawawala siya sa landas dahil may boyfriend siya.."

"Boyfriend?!" Sigaw ni dad.

"Oo boyfriend. Anong kaso dun kung mahal naman nila ang isa't isa? Mom, Dad, modern age na. Wag kayong homophobic."

Napatingin si ate sa akin at nginitian ako.

"Mom, Dad, kung di dahil sa boyfriend ni Riki di siya magtitino. Look." Nilabas ni ate ang report card ko nung midterms sa second sem.

"Anlaki ng pinagbago pero di niyo magawang tingnan dahil sa judgment niyo sa kanya na walang kuwenta siya o wala siyang silbi. Sadyang bulag lang ho kayo. Riki, tara na." Hinila ako ni ate palabas.

Natameme ata sina mom at dad sa sinabi ni ate kaya di sila kumibo o pigilan man lang kami.

"Ate thanks." Niyakap ko siya ng makalabas na kami ng bahay.

"Wala yun. Ayoko lang sabihan ka ulit na walang kuwenta kasi di totoo yun." Ate smiled at me.

It was like a dream for me before na ipagtanggol ni ate. And now, I feel very happy.

10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon