𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 62: 𝑳𝒂𝒔𝒕 𝑩𝒊𝒓𝒕𝒉𝒅𝒂𝒚

29 2 0
                                    

"Dito tayo. Masarap ang tteokbokki dito." Sabi ni Sun.

Sumunod lang ako sa kanya. Nagutom kami pagkatapos naming pumunta sa himlayan ng lolo't lola niya kaya andito kami ngayon. Si Sun na ang mag order.

"Napapanood ko lang yung tteokbokki sa Korean Food Shows. I tried it na naman sa Pilipinas kaso iba pa rin pag andito." Puna ko habang tumitingin sa paligid.

"Yeah. Walang katulad." Sun smiled.

Minutes after, tteokbokki has been served.

"Ang anghang." Napainom ako ng tubig pagkatapos ko tumikim.

"Dahan dahan kasi." Sun wiped out the sauce near my lips using his thumb.

"Masarap siya ah." He unconsciously licked his thumb.

"Gagi! Ba't mo ginawa yun?" Napanganga ako.

"Ang alin?" His brows furrowed.

"You just licked the sauce that was originally from the side of my lips." I whispered to him.

"Oh ano ngayon? Di ko naman nalasahan ang labi o ang balat mo." He rolled his eyes.

"Sassy." Napasubo ako ng tteokbokki. Oo nga naman. Sauce naman yun. Di naman labi ko nalasahan niya.

"Ansarap ng tteokbokki. Namiss ko." He exclaimed.

I saw his smiles faded immediately.

"Uhm mamimiss ko ito. Wala namang ganito sa afterlife ata." His voice broke.

"Hey. Wag muna tayo magdrama dito." I attended near to him and hugged him tight.

"Sun, it's your birthday." Dagdag ko.

"Yeah. My birthday. The last one actually."

The last sentence made me shed some tears. Right. Probably his last birthday. Di pa siya nagsi-sink in sa akin pero coming from him, it's inevitable. Parang sigurado na siya na huling kaarawan na niya rito sa mundo.

"Don't say it please. You're hurting me. You're hurting yourself." Hinarap ko siya.

"Sorry. I can't help it." He wiped my tears.

"Ba't tayo nag-iiyakan na naman?" Tanong niya bigla.

"Kasi maanghang ang tteokbokki?" Natawa siya. Ganun lagi. His mood changes everytime.

"Right. Maanghang talaga." He drank some water.

After namin kumain ng tteokbokki, bumili kami ng mint chocolate ice cream para mawala ang anghang sa bibig namin.

"Sarap talaga." He exclaimed as he licked every corner of the ice cream.

"Favorite mo talaga noh?" I smiled.

"Oo. Ewan. Weird ata ng taste ko." He laughed.

"Tama na ang tawa. Ubusin mo na bago pa matunaw." Tumango siya.

He made a mess malapit sa bibig niya kaya pinunasan ko ito gamit ang hinlalaki ko. I consciously licked it.

"Hey! Gumaganti ka." He rolled his eyes.

"Oh bakit? Di ko din naman nalasahan ang labi at balat mo ah? Payback." I smirked.

"K fine. Pagbibigyan kita kasi birthday ko." He rolled his eyes. He continued to eat his ice cream.

Kinagabihan, we went to Namsan tower.

"Ang ganda ng Seoul pag gabi." Sun put his hands in his pockets. Malamig ang panahon. Malapit na rin mag winter.

"Oo nga. Ganda ng view." Sabi ko habang nakatingin sa buong siyudad.

Nakita ko na lumapit siya dun sa mga padlocks.

"Ano ginagawa mo?" I asked him. May nilagay siyang padlock sa isang railing.

"Padlock. To seal our love." He said nonchalantly.

"At nasa sayo ang susi ah." He smiled as he gave me the key. Nakatingin ako rito. I think my tears were forming but it just stopped. Maybe because of the cold weather.

"Dalawa yan. Akin at sayo kaso alam mo naman sitwasyon ko diba? Ikaw na magtago para sakin." Nakatingin ako sa kanya na naluluha na talaga.

"Sun, di na need ang susi at padlock na ito eh. You just don't own a room here." Itinuro ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"You own the entire place Sun. You own my heart eternally." I saw him shed some tears.

"And you own mine too." He placed his forehead against mine.

"Love, kung magiging masaya ka sa iba after 5 years, buksan mo ang padlock na ito para mapakawalan mo ako ah?" He stuttered.

"Sun, mahirap iyang pinapagawa mo eh." Napaluhod ako.

"Di mo mapipigilan ang puso mo na magmahal uli Riki. Wag kang mag alala sa akin. Aantayin pa rin kita doon sa kabilang buhay." He combed my hair.

"Masasaktan ka Sun. Baka maisip mo na sana ikaw yung niyayakap ko ganun. Ayoko nun. Ayaw kitang saktan eh." Humahagulgol ako sa tiyan niya.

"Yeah. I would definitely say that should be me but may magagawa ba ako? I'm dead by at that time. I can't cry or feel the pain. I'll just be happy for you." He said to pacify me.

"Baka masumbatan mo ako pag magkikita na tayo dun eh." Napayuko ako. Natawa siya.

"No. I'll be the matchmaker Riki. Trust me. Dun kita ima-match sa isang kagaya natin." He winked at me.

Napabuntong hininga na lang ako. Tumunog na yung alarm. Hudyat na lalabas na kami.

"Tara na." He held my hand as we went down from the tower.

10 𝓜☀︎︎𝓷𝓽𝓱𝓼 || SunKi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon