ANBNI | 33: Ang Ikalawang Prinsipe

303 24 0
                                    

"Parating na po ang Lu Ryen." hindi maitago ni Chuyo ang kanyang tuwa. Namamanghang nagtakip siya ng bibig sa nakakahalinang anyo ng Prinsesa. Ano mang kasuotan ay bumabagay sa katawan nito. Hindi maitatago na ito ang tunay na bituin ng kanilang imperyo. Natitiyak ng punong katiwala na hindi nalalayong mahulog din ang Lu Ryen sa Prinsesa niya.

"S-Sa tingin mo magugustuhan niya ang ayos ko?" namumula ang mukhang hinawi ni Keya ang mga hibla ng buhok sa likod ng kanyang tenga.

"Kamahalan? Walang matinong lalaki ang tatanggi sa inyo. Hindi ko ito sinasabi dahil ako ang inyong punong tagapaglingkod kundi dahil iyon ang nakikita ng lahat. Kung ano man ang yelong bumabalot sa inyo ngayon ng Lu Ryen, natitiyak kong matutunaw ito pagkatapos ng gabing ito."

"Chuyo." Saway ng Prinsesa sa kanyang punong katiwala. Mas lalong namula ang mukha ni Keya sa narinig. Binabalot siya ng kaba at tuwa dahil ang Lu Ryen ang nagdesisyong lumapit sa kanya.

"Mahal na Prinsesa, narito na po ang Lu Ryen." anunsiyo ng tagapaglingkod sa labas ng silid ng Prinsesa.

Mabilis na binakate ng punong katiwala ang silid. Lahat ng mga alalay ay sampong hakbang ang layo sa kwarto ng prinsesa. Di maitago ang tuwa sa mga mata ng mga tagasunod ng iwanan nila ang Lu Ryen at ang kanilang prinsesa sa iisang silid. Napunit ang matamis na ngiti sa mukha ni Chuyo ng makita niya ang blangkong ekspresiyon sa mukha ng matangkad na bantay ng Lu Ryen. Bakit tila hindi ito natutuwa? Mas nanaisin ba nitong makasama ng panginoon nito ang mabababang xienli kaysa sa prinsesa niya?!

"Hmph!" pagkatapos ng gabing ito, nasisiguro ni Chuyo na wala ng kwekwestiyon sa relasyon ng Prinsesa at ng Pangalawang Xuren ng Zhu.

Sa loob ng silid, tahimik na pinagsisilbihan ni Keya ang Lu Ryen. Marahang sinalinan niya ng alak ang kopa nito. "Lu Ryen, nauunawaan ko na... Hindi ko kayo masisisi kung lumalayo kayo sa akin dahil sa aking ama." pagkatapos matuklasan ni Keya ang pagkamuhi ng kanyang ama sa punong heneral, naiintindihan na niya ang paglayo ng Lu Ryen sa kanya.

Tinanggap ni Yura ang alak. "Kamahalan, kung may makakarinig sa inyo iisipin nilang hindi ako naging tapat sa Emperador." paano ito naisip ng prinsesa? Ni minsan ay hindi siya nagpakita ng pagsuway sa kautusan ng ama nito.

"Kaylan mo ako tatawagin sa pangalan ko?" hindi itinago ni Keya ang kanyang hinanakit. "Alam kong nagkamali ako sayo ngunit hindi ito sapat upang iturin mo akong estranghero." hindi napigilan ng Prinsesang isumbat ito sa Lu Ryen. Bukas ang mga kamay nitong yakapin ang kanyang mga xienli habang siya na konsorte nito ay tinatalikuran nito. Natutunan na niyang tanggapin na humahapdi ang puso niya na tila napapaso sa tuwing naiisip ng prinsesa ang mga xienli ng Lu Ryen. Sinalakay ng panghihina ang dibdib ni Keya na nagdulot ng matinding paninikip.

Inilapag ni Yura ang kopang hawak ng mahagip niya ang pabango ng kanyang konsorte. Hindi ito matapang at hindi rin ito gaanong matamis. Ang mga elementong ginamit ay pamilyar sa kanya. Subalit may isang elemento ang hindi maaaring maihalo sa ibang elemento. Unti-unting natugunan ang kanyang pagdududa ng makita niya ang pamumutla ng prinsesa. Maagap na sinuportahan niya ito ng bahagyang bumigay ang katawan nito. Binihag ni Yura ang kamay ni Keya upang pakiramdaman ang pulso nito. Hindi nga siya nagkamali, nahaluan ng mapanganib na elemento ang pabango ng prinsesa. Walang makakadiskubre na lason ito, kahit ang pinakabihasang manggagamot sa palasyo ng imperyal ay hindi ito paghihinalaan. Eepekto lamang ang lason kung bibilis ang takbo ng pulso ng gagamit nito. Ano mang matinding emosyon na mararamdaman nito ay magsisilbing panganib dito kapag suot nito ang pabango. Ang lasong ito ay di hamak na mas makamandag sa lasong nakuha niya sa paligsahan. Iisang tao lang ang naisip ni Yura na may kakayahang makagawa nito. Hinayaan niyang sumandal ang prinsesa sa kanya ng tuluyan itong manghina.

Binuhat ng Lu Ryen ang Prinsesa sa higaang hinanda ng mga katiwala para sa kanila. Lalong nanikip ang dibdib ni Keya ng maramdaman niyang niluwagan ng Lu Ryen ang kanyang panlabas na kasuotan. Bumilis ang pintig sa dibdib ng prinsesa ng bumaba si Yura sa hubad niyang balikat na tila may hinahanap itong halimuyak ng kanyang balat. Tuluyan siyang kinain ng kadiliman ng sunod niyang maramdaman ang pagkalas ng panloob niyang kasuotan.

Ang Nakatagong Bituin Ng ImperyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon