Sa pagbaba ng liwanag ng araw ay kasabay ng paghalik ng makapal na hamog sa kabundukan.
Ang mahabang paglalakbay ay sinalubong ng malamig na temperatura ng lisanin nila ang kapatagan. Hindi lamang ang matatayog na puno ang nagtatago sa liwanag ng kalangitan kundi maging ang makapal na hamog ay nagpapalabo sa paningin ng mga kawal. Makikita ang panlalamig ng kanilang mga batok ng dumaan ang malamig na himoy ng hangin na may kasamang patak ng luha ng mga dahon mula sa puno.
Bumukas ang mga mata ni Yura ng madaanan nila ang mga batong nailatag sa daan dahilan upang mawalan ng balanse ang karwahe at matigil sila sa lugar.
Napabalikwas ng bangon si Jing ng maramdaman niyang bumalik ang kanyang kamalayan. Sa pagbuklat niya ng kanyang mga mata ay tumagos na palaso ang dumampis sa gilid ng kanyang mukha. Hindi pa siya tuluyang nakakabalik sa kasalukuyan ng bumukas ang pinto ng karwahe at hilain siya palabas nito.
Kagyat na sandali ng makalabas sila ay pagsadsad ng karwahe sa lupa. Umulan ng mga palaso sa kanilang kinaroroonan. Maririnig ang maingay na halinghing ng mga kabayo sa paligid na naalarma sa biglaang pag-atake.
Sunod na naramdaman ni Jing na tinulak siya ng Lu Ryen sa matangkad nitong bantay. Pagkatapos bumuhos ng mga palaso ay sunod na paglitaw ng bandido na pumaligid sa kanila.
Natitigalgal na humigpit ang kapit ng anak ng Punong Ministro kay Won. Nahulog lamang ito sa malalim na pagkakatulog kaya hindi nito lubos maisip na ito ang pangyayaring mamumulatan nito. Labag sa loob na prinotektahan ito ng matangkad na bantay dahil sa mahigpit na bilin ni Yura.
Sa kabila ng tensiyon sa paligid, nasindihan ang pananabik ni Kaori na makipagbunuan sa mga bandido subalit saglit lamang iyon ng maramdaman niyang may mali sa mga ito. Hindi pa nalalapatan ng buhay na dugo ang kanyang patalim ng makarinig siya ng pagsipol na naghuhudyat na pag-atras ng mga bandido. Agad na hinagilap ng paningin ni Kaori ang Xuren. Mabilis na naglaho ang bantay sa kaguluhan ng bigyan siya ng pahintulot na sundan ang mga bandido.
Tumagos ang mahabang patalim mula sa karwahe ng Ikalawang Prinsipe papunta sa direksiyon ni Yura. Ilang hibla ng buhok ni Yura ang hinawi ng hangin ng dumaan ang patalim sa gilid ng kanyang leeg. Bumagsak ang katawan ng isang bandido sa tabi ng Lu Ryen. Bumaba si Siyon ng kanyang karwahe at dinaanan ng paningin niya ang pagtakas ng mga bandido mula sa mga kawal. "Lu Ryen, sino sa tingin mo ang maglalakas ng loob na harangin ako?"
"Kamahalan, alam niyo ang sagot sa tanong niyo." tugon ni Yura na hindi nag-abalang tumingin sa direksyon nito.
Dumaan ang nagyeyelong temperatura ng hangin sa pagitan ng Lu Ryen at ng Ikalawang Prinsipe.
Hinugot ni Siyon ang mahabang patalim na nakabaon sa katawan ng isang bandido na wala ng buhay. Mariing pinahid nito ang dugong kumapit sa kasuotan ng bandido. Nangingiting nilapitan nito ang Lu Ryen habang nilalaro ng Ikalawang Prinsipe sa kamay nito ang patalim.
"Hindi ko sasayangin ang pagkakataong maging kaibigan ang Pangalawang Xuren ng Zhu ng dahil lamang sa isang mababang fenglin. Kalimutan na natin ang nangyari at magsimula tayong muli." Nilahad ng Ikalawang Prinsipe ang gintong patalim kay Yura. Sumisimbulo ng panganib o sinseridad ang kahulugan ng paghahandog ng patalim. Tanging ang tatanggap ng handog ang makakaalam ng tunay na intensiyon sa likod nito.
Tinanggap ito ni Yura mula kay Siyon. Dumampi sa palad niya ang malamig na patalim, bagay na pamilyar sa kanya. Nakakatuwang isipin na nais nitong kalimutan niya ang mga nawalang buhay ng kanyang mga kapatid na mandirigma. At ang salitang ginamit nito kay Sena... Nawaglit ba sa isipan nitong hindi siya madaling makalimot?
Nakahinga ng maluwag si Yiju ng makita niyang walang ano mang natamong galos si Yura. Ngunit saglit lamang iyon ng makita niya kung sino ang kasama nito. Nagtatakang pinuna ito ni Tien. "Huwag mong sabihing nag-aalala ka sa Lu Ryen na siyang nagwagi sa nakaraang paligsahan?"
BINABASA MO ANG
Ang Nakatagong Bituin Ng Imperyo
Fiksi SejarahYura Zhu. Ang bunsong anak ng Punong Heneral ng imperyong Salum. Sa labas ito ng tahanan ng kanyang pamilya lumaki at malayang nakakapaglakbay saan mang lupain nito naisin. Ang kalayaang hawak nito ay binawi ng isang kautusan. Ito ang napiling kat...