ANBNI | 3: Ang Prinsesa Ng Emperatris

756 42 0
                                    

Nalagas ang mga tuyong dahon mula sa mga puno ng dumaan ang tatlong nakasakay sa kabayo. Sa bilis ng kanilang pagpapatakbo, nag-iiwan ito sa daan ng malalalim na bakas. Habang humahaba ang kanilang paglalakbay ay lalong bumibilis ang kanilang takbo na tila nagmamadali.

Pasikat na ang araw ng ipagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay pabalik sa silangang imperyo. Mistulang wala na silang planong tumigil ng biglang huminto ang isa sa tatlong nakasakay ng kabayo.

"Xuren?"

Tawag kay Yura ng isa sa kanyang mga bantay. Sinenyasan niya itong tumahik ng muling tumunog ang huni ng mga ibon. Agad itong naintindihan ni Won, ang kaliwang bantay ni Yura. Mabilis na bumaba ito ng kabayo at nilapat ang palad sa lupa upang pakiramdaman ang paligid. Labas pasok sila sa bundok kaya madali nilang makilala ang tunay na huni ng mga ibon sa tunog na likha ng tao.

"Malayo sila sa atin, sa tingin ko ay hindi tayo ang pakay nila." Si Won ng masiguro niyang lumalayo sa direksiyon nila ang mga bandido.

"Xuren, bakit hindi muna tayo magpahinga? Siguradong gutom na ang mga kabayo natin sa mahabang paglalakbay." mungkahi ni Kaori, ang isa pang bantay ni Yura.

"Hindi kaya ang tiyan mo ang nagugutom?" puna dito ni Won.

Namula ang buong mukha ni Kaori sa narinig. Galit na bumaba ito ng kabayo nito at hinarap si Won. Nang magtapat ang dalawa makikita ang laki ng diperensya nila sa isa't-isa. Matangkad na tao si Won kaya madali itong mahanap kahit ilagay ito sa napakaraming tao. Kabaliktaran ni Kaori na mistulang sampung taong gulang lamang dahil sa mabagal na paglaki nito kahit na parehong taon sila pinanganak.

Hindi lamang ang kanilang panlabas na anyo ang lubos na magkaiba, kundi maging ang mga kilos at aksyon nila ay malayo sa isa't-isa. Kahit na magkasama silang lumaki sa tahanan ng Punong Heneral at iisang Xuren ang kanilang pinagsisilbihan, hindi parin sila mapagkasundo.

"Nakalimutan mo na bang ikaw ang umubos ng buong manok na inihaw ko kagabi?" nanggigigil na tanong ni Kaori dito.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ligaw na lobo ang tumangay nito. Kung hindi ka umalis para humuli ng kuneho hindi iyon mawawala." Kalmadong tugon ni Won na tila hindi apektado sa hinaing nito.

"Kung binantayan mo ito, hindi mananakaw ang manok ko." Giit ni Kaori.

"Ang tungkulin ko ay bantayan ang Xuren at hindi ang manok mo-"

Natigil ang bangayan ng dalawa ng makarinig sila ng sagupaan ng mga armas. Ang ingay ng labanan ay nakamamatay, hindi na lamang ito simpleng pangingikil ng mga bandido kundi may halong panganib ang intensiyon ng mga ito. Sabay na napatingin ang dalawang bantay kay Yura at hinihintay ang pahintulot nito.

"Bakit di muna tayo tumigil at magpahinga."

Nang marinig ni Won ang pasya ng Xuren mabilis itong nawala na tila dumaan ang matalim na hangin. Mga ilang sandali lang ang lumipas ng muli itong bumalik sa tabi ni Yura.

"Xuren, inaatake ng mga bandido ang karwahe ng isang maharlika. Base sa pakikipaglaban ng mga bantay, natitiyak kong kawal sila ng pamilya ng imperyal." Kahit nakasuot ng pang-ordinaryong kasuotan ang nagbabantay sa dilaw na karwahe hindi makakaligtas sa kaliwang bantay ang paraan ng pakikipaglaban ng mga ito.

Nang marinig ni Yura ang pamilya ng imperyal, nawala ang interes niya at bahagyang lumamig ang kanyang ekspresiyon. Hindi siya bumaba ng kanyang kabayo sa halip ay pinatakbo niya ito palayo sa lugar. Mabilis naman na humabol sa kanya ang dalawa na kagyat ding sumakay ng kanilang kabayo.

"Xuren, hindi mga ordinaryong bandido ang umaatake sa kanila." Dagdag ni Won. Kung simpleng mga tulisan lamang ang mga ito, hindi mahihirapan ang mga kawal ng imperyal na sila ay lupigin. Nang makita ni Won na hindi apektado ang Xuren nila, nagsimula na siyang mag-alala. Hindi siya nangangamba sa myembro ng imperyal na nasa loob ng karwahe kundi sa Xuren niya. Hindi niya gustong pagsisihan nito ang desisyon nito ngayon.

Ang Nakatagong Bituin Ng ImperyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon