ANBNI | 51: Yara

272 21 10
                                    

Mabilis ang mga kilos ni Chuyo ng makita niya ang pagbangon ng prinsesa. Buong maghapon itong nakatulog ngunit wala ni isa sa kanila ang naglakas ng loob na gambalain ito. Maging ang Emperatris na bumisita ay pinigilan silang gisingin ito nang malamang nagpapahinga parin ang prinsesa . Isang makahulugang ngiti lamang ang iniwan ng Emperatris bago ito tahimik na lumisan.

Hindi rin mapigilan ni Chuyo ang kanyang tuwa. Kung magkakaroon man ng supling sa pagitan ng Lu Ryen at ng prinsesa, natitiyak niyang isang nakakabighaning prinsipe o prinsesa ang gigimbal sa palasyo ng imperyal.

"Kamahalan?" Puna ni Chuyo ng mapansin niyang may hinahanap ang mga mata ng prinsesa.

"Ang Lu Ryen?"

"Malalim ang inyong pagkakatulog kung kaya't tahimik na nilisan ng Lu Ryen ang inyong silid.

Nangingiting nilapag ng Punong-lingkod ang bulaklak na may sariwang halimuyak sa tabi ng Prinsesa. "Ang bulaklak na ito ay galing sa Palasyong Xinn." Hindi na halaman kundi bulaklak ang binigay ngayon ng Lu Ryen. Nakakatuwang makita ang pagbabago ng relasyon ng mga ito.

Naging kulay rosas ang mukha ni Keya ng tanggapin niya ang bulaklak. Maging ang gilid ng kanyang taynga ay hindi nakaligtas sa pamumula. Hindi niya maunawaan ang sariling damdamin. Napupuno siya ng hinanakit sa Lu Ryen subalit pagkatapos siya nitong ikulong sa isang mahigpit na yakap ay natunaw ang lahat ng iyon.

"Nais ko siyang makita."

Mariing pinigilan ni Chuyo ang Prinsesa. Nagpaalam na ang araw ay hindi pa nito nagagalaw ang mga nakahaing pagkain. Idagdag pang hindi pa naaayos ng prinsesa ang sarili nito.

Nakahinga ng maluwag ang punong-lingkod ng sa huli ay nakinig ito sa kanya.

Gumala ang tingin ni Chuyo sa katawan ng prinsesa ng tulungan niya itong magpalit. Wala siyang makitang ano mang bakas sa balat nito. Walang iniwang tanda ang Lu Ryen sa katawan ng prinsesa.

Nahulog sa malalim na pag-iisip ang punong-lingkod. Naalala niya na maging ng unang gabi ng prinsesa at ng Lu Ryen ay wala din siyang nakitang ano mang bakas.

Kapos man siya ng karanasan sa ganitong bagay subalit lumaki siya sa haligi ng palasyo ng imperyal. Maaga siyang namulat sa mga maselang usapin ng mga katiwala tungkol sa bagong Xienli na pinapaboran ng Emperador. Sa babaeng lingkod na minarkahan ng mataas na opisyales. At marami pang bagay na palihim na pinag-uusapan ng mga katiwala sa tuwing sila'y nagpapahinga.

"Chuyo?" Nagtatakang nilingon ni Keya ang punong katiwala ng maramdaman niyang tumigil ito sa pag-alalay sa kanya.

"K-Kamahalan, kamusta po ang inyong pakiramdam? May nararamdaman po ba kayong kakaiba sa inyong katawan?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ipagpaumanhin niyo ang aking kapangahasan, nag-aalala lamang ako pagka't ito ang pangalawang beses na may nangyari sa inyo ng Lu Ryen kaya sa parteng ito ay tiyak na naninibago pa po ang inyong katawan."

Pinakiramdaman ni Keya ang sarili matapos marinig ang tugon ng kanyang punong-lingkod.

Nagsimulang gumapang ang pagdududa sa kanyang dibdib. Hindi niya maitatanggi sa sarili na minsan ng pumasok sa isipan niya ang posibilidad na walang nangyari sa kanila ng Lu Ryen sa kanilang unang gabing magkasama. Pagkat walang bakas na naiwan sa higaan na tanda ng pagpapaalam ng kanyang kadalisayan.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi maaaring may nangyari sa kanila ng wala siyang alaala. Higit sa lahat, wala siyang maramdamang iniwan nitong bakas sa kanyang katawan.

"Nakalimutan mo na bang ikaw ang unang bumitaw?"

Itinago ni Keya ang takot na namumuo sa kanyang dibdib. Hindi niya gustong isipin na panaginip lamang ang nangyari sa kanila ng Lu Ryen.

Ang Nakatagong Bituin Ng ImperyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon