CHAPTER 21

5K 88 7
                                    

Waa! Sorry late nanaman ako nag update. Hihi. Gagawin ko po ang best ko na wag palabasin si Fate dito. Haha. Gusto ko nang tapusin to kaso di ko mabitawan uwaaa. Thanks sa mga nagbabasa! Mua! Paabutin ko to ng chapter 30.. Hihi.

————

CHAPTER 21

Sana panaginip nalang ang lahat. Kaso hindi eh. Damang dama ko eh. Malapit na akong kunin ni Lord. Hindi ba dapat mababait ang una niyang kinukuha? Aba madami din akong ginawang kasalanan sa mundo! Bakit kukuhanin na agad ako? Ang daya naman!

"D-diana!"

Alanganing ngumiti sa akin si Emerald. Tinignan ko lang siya. Hihi. Magpapakabaliw ako, para naman medyo tumagal pa ang buhay ko. Sabi nga nila Martin susunduin daw ako ni Emerald sa airport. Napagpasyahan ko kasing umuwi na ng Pilipinas.

Nang makalapit si Emerald eh blanko pa din ang tingin ko sakanya. Ay! Naiiyak na ang loka.

"Yes?" palihim kong kinagat ang labi ko para maitago ang ngiti ko.

"H-hindi mo pa rin ako naaalala bestfriend? Gaga ka! Huhuhuhu." Saka niya ako niyakap ng mahigpit. Yung pigil na ngiti ko nauwi sa buntong hininga. Gumanti ako ng yakap.

"Ginaga mo pa ko!" saka ko siya kinurot sa singit. Echos! Haha sa tagiliran lang. Ang lantaran naman kung aabutin ko pa ang singit niya.

"EHHHHH. Namiss kita!"

"Namiss din kita bestfriend! Sorry ha?" saka ko hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Kalimutan mo na 'yon." Ngumiti siya matapos ang ilang pag-iling.

"Tara na!" masigla niyang sabi saka siya nauna ng maglakad. Pustahan, naiiyak yan kaya nauna ng maglakad. Hahaha.

Matagal tagal din mula nung huli naming pagkikita ni Emie. Apat na taon akong nanahimik sa New York. Hmm, New York nga ba yung pinuntahan ko? Ayst. Sinusumpong nanaman ako. Baka hindi magtagal pati pangalan ko makalimutan ko. Sus!

Hinahanap niyo si Tim? Landi niyo ha! Ayun nauna siyang umuwi dito sa Pilipinas para daw maiayos niya ang pad ko.

"Ay sorry po!" hingi ko ng paumanhin sa nakabunggo ko. Ouch! Sakit nun ah. Tinignan ko kung sino ang nabunggo ko. Isang matanda. Hindi ko alam kung bakit pero napatitig ako sakanya ng matagal. Ganun din siya sa akin.

"A-anak? Dolores?" sabi ng matandang lalaki na sa tantya ko eh nasa 80 na ang edad. Ano daw Dolores?

"Ah eh hindi ho Dolores ang pangalan ko, lolo." Nakita kong lumungkot ang mukha niya. Pero di naglaon eh nginitian niya ako.

"Pasensya ka na hija. Kamukhang kamukha mo kasi ang anak ko." Tinapik niya ako sa balikat. "Sana makita ko na siya."

"Bakit ho nasaan ho ba siya-"

"Lolo Francisco! Naku kayo ho talaga. Tara na po." Hindi ko na naituloy ang pagtatanong nang biglang sinundo si lolo ng isang nurse. Sinundan pa ito ng napakaraming bodyguard? Mukang yayamanin si lolo.

"Diana! Ano ka ba. Akala ko nakasunod ka na sakin! Tara na bilisan mo! Emergency! Si Tim!" humahangos na sabi ni Emerald nang makalapit siya sa akin. Hindi ko na nasabi sakanya yung nakabangga kong matanda.

"A-anong nangyari?"

____

Nang makarating kami ni Emerald sa ospital, agad kaming dumiretso sa kwarto ni Tim. Ano bang nangyari sakanya?

Painful Desires (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon