CHAPTER 19

5.1K 89 6
                                    

Sorry po at ngayon lang makakapag update. Hihi. Hayahay na ang buhay ko! Baka matapos ko na din 'tong story ni Diana. Medyo madrama. Ewan ko ba. Haha. Salamat sa mga nagbabasa! Love you! Comment lang po kayo <3 Nakakagana mag update kasi. Hihi.

I'll post Chapter 20 mamaya. Comment muna kayo! Haha.

_______________________

- CHAPTER 19 -

DIANA’S POV

“Putangina mo.” Sagot sakanya ni Martin.

Hahaha. Ang hard talaga ni Martin kahit kailan. Putang*na daw ni Trance. Teka. Nasaan ba ako? Medyo malabo. Pero nakikita ko sila Martin at Trance sa tabi ko. Wait. A dream? Nangyari ba ‘to? Hindi ko maalala.

Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ko. Pinapagitnaan nila ako ngayon. They both held my hand and entwined our fingers. Sumandal ako sa sofa. “Hay, nagdadrama ako, bigla ka namang sumulpot Trance. Namiss ko kayo.” They both sighed. “Sorry, are we late?” tanong sa akin ni Trance.

What are we talking about? Late saan? May lakad ba kami?

I smiled. I closed my eyes and let my tears fall. “You’re fvcking 2 weeks late.” I managed to say while sobbing.

I’m crying. Why? Martin, Trance. What’s happening? Takhang tanong ko sakanila pero hindi nila ako naririnig. Ni hindi nga nila ako napapansin.

“Can I blame you? Can I?” iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko iyan. Hindi sila umiimik. Wala akong ibang masisisi. Hindi ako nagsisisi dahil ginawa ko iyon para kay Diana, hindi ko inaakalang mangyayari ito. Ano pang pagsubok ang ibibigay sa akin?

“I’m so fvcked up.” I sobbed and cried hard.

Humigpit ang hawak nila sa kamay ko ng sabihin kong, “I’m fvcking pregnant.”

“Diana??”

Napabangon ako nang marinig ko ang boses na tumatawag sa akin. Dahan-dahan ko siyang nilingon.

“Why are you crying? What happened? May naaalala ka na ba?” sunod sunod na tanong niya sa akin matapos niyang hawakan ang kamay ko.

Matagal ko siyang tinitigan. Hindi ko maalala. Hindi ko maalala kung bakit ako umiiyak. Hindi ko din maalala kung bakit ako nandidito.

Kumunot ang noo ko at saka ko siya tinanong, “Sino ka?” naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

“Ouch!” agad naman akong napahawak sa ulo ko nang bigla itong sumakit. Oh shet. Ang sakit ng ulo ko grabe! Ano ba ‘to! Nasaan ba ako?! Sino ba ako?! Putcha naman oh!

Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka ako tumayo ng kama. Palabas na sana ako ng pinto nang bigla niya akong hawakan sa braso para pigilan. “Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Sino ka ba?!” singhal ko sakanya saka ko hinila ang braso ko. Hindi ko alam bakit ako naiiyak kapag nakikita ko ‘tong poging ‘to. Pero gustong gusto kong magwala at umiyak!

Painful Desires (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon