CHAPTER 6

9.3K 129 7
                                    

-CHAPTER 6-

"W-what?" tanong ni Trance nang maka-recover silang dalawa sa sinabi ko. Nilingon ko siya saka ako tumango.

"Sino ang ama?" nakita ko ang galit sa mga mata niya. I shook my head.

"I-it's—“ I sighed in defeat saka ko kinwento sakanila ang nangyari sa pagitan namin ni Tim. Mula umpisa hanggang doon sa unang beses namin. Sinabi ko rin ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon.

“Ibang klase kang kaibigan.”  Trance patted my head. Sa kanila ni Martin, siya iyong maalalahanin at tipong kuya ang magiging tingin mo sakanya, si Martin? Naku dakilang playboy nakuha niya sa akin. Ang bad influence ko noh? Kahit may kanya kanya din kaming buhay, sa oras na kailangan mo sila, dadating sila. I'm so thankful to have them both.

"Anong plano mo?" tanong sa akin ni Martin. Hinawakan ko ang tiyan ko saka ko sinabing "Gagawin ko ang makakaya ko para buhayin ang batang 'to."

 

"Don't worry, hindi ka namin pababayaan. Mamaya tatawagan namin si--"

 

"No!" pagputol ko sa sinasabi niya. "P-please, 'wag niyo munang ipaalam kay Kristoff. Hayaan niyo lang siya doon. Ayoko munang malaman niya ang katangahan ko." Ayokong bumalik siya dito para lang alamin kung okay lang ba ako. Gusto ko, pagbalik niya dito, hindi na ako ang Diana na patay na patay sakanya. Dapat bestfriend nalang ang tingin ko sakanya.

 

Tututol pa sana sila pero sa huli, ako pa rin ang nasunod. Maya maya pa eh umalis na din silang dalawa. Sumalampak ako ulit sa sofa at bumuntong hininga. Kaya ko ba 'to?

~Jumbo hotdog kaya mo ba ‘to? (Kaya mo ba ‘to? Kaya mo ba ‘to?)

Jumbo hotdog kaya mo ba ‘to?

Hindi kami bato, para magpatalo jumbo hotdog—~

WHAT THE FVCK!?

“Gago ka Martin!” bulyaw ko sakanya matapos kong sagutin ang tawag. Nanlaki ang mata ko sa inilagay niyang ringtone sa cellphone ko. Grabe lang! Kailan niya nai-set 'yon? Seryoso kaya ‘tong storya na ‘to, biglang ganern!?

[“Hahaha. Pampaganda ng mood yan Diana. ‘Wag mong papalitan kundi—“]

 

“Kundi ano!?” narinig ko nanaman siyang tumawa sa kabilang linya [“Bibilhan kita ng malaking HOTDOG! HAHAHA”]

 

“Gago ka talaga! Bakit ka ba tumawag? bwisit ka!” nakakagigil talaga ‘tong isang ‘to hindi mo maaasahan na tuloy tuloy kung magseryoso.

[“Punta ka sa birthday ko ha?”] nanlaki yung mata ko. Birthday niya? Napatayo ako at tinignan ko ang kalendaryo. Aysh!

Painful Desires (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon