Pagkakita ko sa kotse ni lolo, literal akong napanganga. "Seriously, 'lo?" Narinig ko ang mala santa claus niyang tawa saka nagkibit balikat.
Sino nga naman ba ang hindi nganganga sa ganda ng limousine ni lolo. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang spelling ko, basta alam ko mahaba at kaloka ang sasakyan ng lolo ko. Pak na pak!
"Sabi mo 'lo, nakay daddy na ang lahat, bakit parang hindi naman?"
Iling at ngisi lang ang sinagot sa akin ni lolo hanggang sa makapasok kami sa palasyo niyang kotse. Nilibot ko pa ang tingin ko sa loob. Grabe big time!
"Wala pa sa kalahati ang ari-ariang naibigay ko kay Gustavo pero ang bagay na tinangay niya mula sa akin ay ang pinakamahalagang yaman na sana'y ipinaglaban ko." Saka niya ako hinawakan sa kamay at maluha luha siya habang tinititigan ako.
"Oh! oh! wait lang 'lo! Awat na po sa pag iyak. Masama po 'yan naku!" Magiliw kong sabi sakanya saka ko siya nginitian ng sobrang lapad. Tinapik tapik ko pa ng kamay niya.
Ngumiti naman siya pabalik sa akin "Manang mana ka talaga sa mama mo, apo."
Medyo tumagal ang byahe at nakapag kwentuhan kami ng maayos ni lolo. Kinuha daw ako ni daddy kay uhm mama Jasmine pagkapanganak na pagkapanganak pa lamang sa akin. Naiilang pa rin akong tawagin siyang mama. Ni minsan kasi wala akong nakagisnang ina.
Ang sabi ni lolo, si mama at daddy ang tunay na nagmamahalan. Ngunit dahil sa pagbalik ni tito Gian, na first love ni mama, naging malabo ang lahat. Akala ni daddy, sila na ulit ni mama at tito Gian. Pilit na pinaliwanagan ni lolo si daddy pero hindi ito nakinig. Akala niya tuloy mas pinapanigan ni lolo ang panganay niyang anak na si tito Gian.
Simula pa lamang daw ng maliit pa si daddy at tito Gian ay hindi na sila magkasundo. Laging naiinggit si daddy. Akala niya laging nakikipag kumpetensya si tito sakanya. Akala niya walang nagmamahal sakanya. Nabulag siya ng inggit.
Akala din niya na anak ako ni tito Gian. Akala niya hindi siya mahal ni mama. Napuno ng akala ang utak ni daddy. Sa lintek na akalang 'yan, pinahirapan niya ako ng ilang taon. Hindi manlang ba siya nakaramdam ng lukso ng dugo? Malamang hindi, kasi akala niya hindi niya ako anak.
Si tito Gian naman, namatay dahil sa isang plane crash. Hindi na dinugtungan ni lolo ng kwento niya. Mukhang masakit pa rin ito sakanya.
Napabuntong hininga ako hanggang sa napatingin ako sa labas ng bintana. Dahan dahan kong ibinaba ang salamin ng kotse. Kung napanganga ako sa limousine ni lolo, mas napanganga ako sa laki ng bahay niya. Sa yaman niyang ito, ngayon lang ako nahanap?
"Masyadong tuso si Gustavo. Alam ko ang iniisip mo, apo. Oo, mayaman ako kaysa sakanya. Pero mas magaling siyang magmanipula ng tao. Nailigaw niya ang ibang tauhan ko." Paliwanag niya sa akin na para bang narinig niya 'yung tanong ko sa isip ko. Tumango nalang ko sakanya bilang sagot.
Nang maiparada ni manong driver ang kotse ni lolo sa entrance ng mall, este ng bahay ni lolo, agad kong inalalayan si lolo pababa ng sasakyan. Sinalubong kami ng libo libo niyang kasambahay. Pero syempre joke lang yung libo libo, duh! Siguro mga bente lang. Tinatamad ako magbilang! Basta more than one!
Agad naman akong niyaya papasok sa loob ni lolo. Ang laki talaga. Paglingon ko sa kanan, nakita ko ang malaking painting ng isang magandang babae.
Nilingon ko si lolo na nakatingin din sa painting. "Siya si Dolores, ang bunso kong anak. Kamukhang kamukha mo siya." Sabay ng paglingon sa akin ni lolo ang paglungkot ng mukha niya.
"Nasaan na po si tita?" Bumuntong hininga siya sa sagot ko saka siya sumagot "Namatay siya noong hinahabol niya ang kuya niyang si Gustavo."
BINABASA MO ANG
Painful Desires (completed)
General Fiction[Warning : SPG] "Buntis ako." Agad niya akong niyakap. "Pananagutan kita. Magsasama tayo!" Sana ganoon nalang kadali iyon. Pero papaano kami magsasama nang matiwasay kung maraming hadlang? Sapat na bang panagutan niya ang lahat kung alam ko na gago...