CHAPTER 22

4.5K 81 0
                                    

"Diana.. Huy, Diana.." parang familiar ang boses ng gumigising sa akin ah. Sino ba 'to?

"Mmmm." mamaya na. Konting oras pa antok pa ako.

"Andito na tayo.. Gising na.."

Huh? Gising? Eh nasa rooftop ako ah? Nakatulog ba ako? Hinimatay? Siraulo 'yung lalaking 'yun ah! Baka kung ano na ang ginawa sa akin! Agad kong minulat ang mata ko at nilingon 'yung gumigising sa akin. Huh?!

"Ano? Natulala ka na naman sa ka gwapuhan ko?" sabay ngiti niya sa akin ng nakakaloko.

"Tim?" kunot noo kong tanong sakanya. Anong ginagawa niya dito? Nilibot ko ang tingin ko. Nasaan ba ako? Bakit ang daming upuan? Tinignan ko ulit si Tim. Nakita kong nagulat siya sa tanong ko.

"May masakit ba sayo?" saka niya hinawakan ang kamay ko at pinisil.

"Nasaan tayo? Bakit ako nandito? Saan tayo pupunta?"

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Nakatulog ka lang nakalimot ka na naman. Nandito na tayo sa Pilipinas. Nasa loob tayo ng eroplano. At, tayo nalang ang tao sa loob kung hindi ka pa tatayo diyan."

Tumayo na kami pareho at lumabas na ng eroplano. So, panaginip lang yung nasa airport na ako kasama si Emerald? So hindi na aksidente si Tim? I sighed. Ang haba ng panaginip ko ah. Nasa likod lang ako ni Tim habang naglalakad kami. Na miss ko siya. Natakot ako sa nangyari sa kanya sa panaginip ko. Akala ko totoo. Akala ko nakalimutan na niya ko. Totoo pala yung sinasabi nila na hindi nawawala ang pagmamahal. Kahit gaano kayo katagal na hindi nagkita.

"Aray naman!" sigaw ko kay Tim sabay hampas ko sa likod niyang matigas! Tae bigla ba namang huminto! Nilingon niya ako saka niya ako biglang niyakap ng mahigpit.

"I love you." Bulong niya sa akin kaya hinigpitan ko din ang yakap ko sakanya. Mula noong araw na sinabi kong pinapatawad ko na siya, lagi niya 'tong ginagawa kahit nasaang lugar kami. Lagi niyang pinapaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal. Natatakot na ako ngayon palang. Natatakot akong mawala siya sa akin. Natatakot din akong iwan ko siya.. Huminga ako ng malalim bago ko siya itinulak ng bayagya.

"Nanaginip ako.." saka ako yumuko.. "N-nakalimutan mo daw ako.." hindi ko na napigilang umiyak. Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"That will never happen, Diana. Ngayong nahanap na ulit kita, kahit anong mangyari, hindi kita makakalimutan. Sana hayaan mo akong makasama ka, alagaan ka at mahalin ka. I failed to do that before, give me a chance, please."

Naramdaman kong sincere siya kaya hindi ko mapigilang mas matakot mawala sa mundo. Ayoko siyang iwan. Ang tagal kong nawala. Ang tagal ko siyang pinahirapan. Ang tagal tagal ko na ring nasasaktan. Ngayong binigyan ako ng pagkakataong makasama siya pero ganito, kukunin na agad ako.

Mas lumakas 'yung iyak ko kaya yumakap ako ulit sakanya. Wala akong pakialam kung umeeksena kami sa airport. Ang tagal kaya ng sundo namin. Huhuhu. Nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Tim yung mukha ko at saka niya ako hinalikan. Hindi lang basta halik! Pinasok niya pa yung dila niya sa loob ng bibig ko! Nanlaki yung mata ko at automatic na nawala yung iyak kaya natulak ko siya ng malakas.

"Ano ba! Nag eemote yung tao eh!"

"Oh, edi natigil ang pag-iyak mo. I love you." Saka niya ako masuyong nginitian at shet makalaglag panty. Ugh! Kainis talaga! Lumapit pa siya ulit sa akin saka siya nang-asar! Binulong sa tenga ko. "I love you." Tapos saka siya ngumiti ng todo at ninakawan ako ng halik sa labi! Ugh.

Painful Desires (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon