-CHAPTER 7-
“Diana..” nakapapikit ako sa sobrang sarap.. WHAT!? SARAP!? NO!
“What are you doing?” anong what am I doing? Wala kaya!
“Uh, Diana..” napakagat ako ng labi at unti unti kong minulat ang mga mata ko.
OH SHET.
“Can we talk now? Kanina ka pa nakatayo diyan.” Tinignan ko ang paligid gamit ang mata ko. Nakatayo ako sa harap niya habang siya nakaupo sa sofa. Hindi ba totoo iyong sa parteng inaakit niya na ako paupo sa sofa?? I flushed. Oh my fvcking goat! Kailangang itago ang pagkapahiya! Shet lang managinip daw ba na gusto niya akong angkinin ulit!? WAA nakakahiya! Lamunin mo na ako earth bilis!
“You okay? Namumula ka.” Akmang tatayo siya at lalapit sa akin pero sinipa ko agad yung binti niya. Nakakahiya talaga!
“FUCK! What was that for!?” sigaw niya habang hawak hawak niya yung parteng sinipa ko. Napalakas ba? Psh, I don’t care. I glared at him.
“Ano bang paguusapan?” saka ako nagpamewang sa harap niya. “Bilisan mo, sayang oras ko.” He sighed. Nakahinga ako ng maluwag mukhang hindi naman niya napansin iyong pagd-daywetdream ko.
“Umupo ka nga dito.” Sabi niya habang hinihimas pa rin yung binti niya at umisod siya ng kaunti. Padabog akong umupo sa tabi niya. “So?”
“Anong plano mo?” tumaas yung isa kong kilay “Madami.”
“Kasama ako doon?” I smirked “At bakit naman kita isasama sa mga plano ko?”
“Anong ipapangalan natin sa baby natin?” napatawa ako ng malakas sa tanong niya. “Gago ka ba? Tayo ba?” saka ko siya sinamaan ng tingin. Parang siraulo ‘to, akala mo kami!
“Hindi mo naman siya ipagkakait sa akin hindi ba?” Umiling iling ako habang nakangisi. “Huwag kang mag alala, hindi ko siya ipagkakait sayo. Pero hindi ibig sabihin noon eh magsasama tayo.”
“No! Responsibilidad kita at ang magiging anak natin! Gusto mo bang mapabilang siya sa isang broken family?” natigilan ako sa sinabi niya. “Alam mong produkto ako ‘non, kaya sana wag mo naman gawin sa anak natin. Ayaw mo ba siyang bigyan ng isang buong pamilya?” napalunok ako. Ako, na isang ampon, syempre gugustuhin kong maging buo ang pamilya ng anak ko.
Sumandal ako sa sofa at bumuntong hininga. “Masyadong mabilis. Alam mo yan”
“Oo alam ko, handa akong ligawan ka.” Tinignan niya ako sa mata at nagkatitigan kami. Makikita at mararamdaman mo ang sinseridad. Kung hindi siya seryoso, bakit magaaksaya pa siya ng panahon para puntahan ako dito at kausapin, hindi ba?
BINABASA MO ANG
Painful Desires (completed)
Narrativa generale[Warning : SPG] "Buntis ako." Agad niya akong niyakap. "Pananagutan kita. Magsasama tayo!" Sana ganoon nalang kadali iyon. Pero papaano kami magsasama nang matiwasay kung maraming hadlang? Sapat na bang panagutan niya ang lahat kung alam ko na gago...