CHAPTER 15

6K 106 13
                                    

=================
Haler mga bebe! Maraming thank you talaga sa pagbabasa ng story ko ha? Hihi. Love love ko kayo! ♥ Sorry pagong mag update..

Kaway kaway sa nagvvote. omo! Enjoy the chapter :) Naluluha luha pa ako sa umpisang part lol. hahaha.

@ramj27 , @idle8086, @lynethabrea, @KerenLozanoDelaCruz, @KailynAlday22, @payatoto22taba, @akazukinchachalike, @Legendary_Unicorn, @yahnie04, @jianmarie26, @mamewafaholo, @CHEcharoon, @XxJinexX, @whichwaytotokyo, @aphrodite_kahea21, @Mhine_mind, MZ_SAPORCO05, @cutie_saranghae, @tiniweenee, @vanessataniacao, @KimberlyFrance28, @ShakiEsh , @khanne902, @PunkishQueen, @viancaAZTIG11, @SmartPrincess19, @BonaflorEsconde
=================

CHAPTER 15

Matapos ang madrama naming tagpo last month.. Yes, last month. Lumipas ang isang buwan at alam niyo kung sino ang nagwagi? Sino pa nga ba.. Edi ang magaling kong ama. Napaglayo niya kami ni Tim at kasalukuyan akong nakakulong ngayon sa bahay nila. Sa malaking bahay nila na napakadilim at napakalamig. Wala kang mararamdamang kahit ano sa loob.

“Ma’am, kain na po kayo..” sabi ng kasambahay nila pagkapasok niya sa loob ng kwarto ko saka niya ipinatong ang dala dala niyang pagkain sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama ko.

Hindi ko siya inimik at patuloy lang ako sa pagbibilang ng kuto sa ulo ko. Grabe ang kati ng ulo ko kailan ba ako huling naligo? Sabay kamot ko sa ulo ko. Panay lang ang buntong hininga ko habang nakatingin sa ceiling.

“Ma’am, gusto niyo po ipaghanda ko kayo ng pampaligo? Mag—“ natigil siya sa sinasabi niya at agad na umupo sa tabi ko habang ako eh nakahiga at nagbibilang nga ng kuto.. “B-bakit ho kayo umiiyak ma’am?” alalang tanong niya habang pinupunasan ang pisngi ko.

Tinignan ko siya habang patuloy na nagkakamot ng ulo ko at patuloy lang rin ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Ngumiti ako sakanya saka umiling. Diyos ko po, mababaliw na yata ako dito sa bahay na ito.

“A-ang kati kasi ng u-ulo ko..” pasumbong at nanginginig na sabi ko habang patuloy sa pagkamot sa ulo ko habang tinitignan ko siyang kasalukuyang umiiyak na rin.

Pumikit ako at itinakip ko sa mata ko ang isa kong braso saka ko ipinagpatuloy ang mahina at mahinahon kong pag-iyak.. Tanging hikbi lang ang maririnig sa kwarto ko.

“Ma’am huwag na po kayong umiyak. K-kung ano man ho ang nararanasan niyo ngayon, marahil po ay nakatakda iyon.. Hindi naman po kayo bibigyan ng problema ng Diyos kung hindi niyo kayang lutasan..” pagaalo niya sa akin habang hinahaplos niya ang kamay kong nakayukom at nakapatong sa ibabaw ng tiyan ko.

Napalakas ang iyak ko na nauwi sa hagulgol. Agad akong bumangon at yumakap sakanya. Hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na kayang mag-mukmok nalang dito sa loob ng kwarto ko at mag-iiyak. Kung ano man nga ang plano ng Diyos para sa akin, tatanggapin ko na ng buong buo at haharapin ko ito. May magagawa pa ba ako?

Kahit puro pasakit sa puso ang nararamdaman at nararanasan ko ngayon, hindi ako susuko. Nang naging mahinahon na ang paghinga ko, lumayo ako sakanya at pinunasan ang mga luha ko. “Salamat, ha?  Ano nga ba ang pangalan mo?”

Painful Desires (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon