CHAPTER 16
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.. Nasaan ako? Bakit puro puti? Nasa langit na ba ako? Inikot ko ang paningin ko. Hindi naman siguro ganito ang hitsura sa langit. Ang advance naman kasi nila, may mga aparato? Na parang pang ospital? Ospital?
Unti-unting nag-flashback sa isipan ko ang mga nangyari. Napapikit ako ng mariin at dahan-dahang inalala ang lahat. Oh God! Ano nga ulit ang nangyari? Napabalikwas ako ng bangon at medyo nahilo ako. Wala naman akong nararamdamang masakit sa akin. Pero parang may kulang.
Isip.. Isip..
Pumunta ako sa opisina ni Daddy, pinagtapat ko na magiging lolo na siya, uminom kami ng juice.. Ay, ako lang pala yung uminom ng juice..Tapos..
Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi! Hindi pwede! Sapilitan kong tinanggal ang nakakabit sa akin na pang dextrose ko at inihagis ito kung saan. Ganun din ang ginawa ko sa kumot na nasa ibabaw ko. Diyos ko naman po! Kunin niyo na po ang lahat, wag lang po ang bata! Siya nalamang po ang alam kong kakampi ko!
Naglakad ako papuntang pinto at sakto namang dumating si Daddy kasama ang doctor at ilang nurses. Nanginginig ako sa galit ko sa aking ama. Hayup! Walang hiya! Tang*na!
“Oh, anak. Gising ka na pala.” Kalmado niyang sabi sa akin na akala mo wala siyang ginawang masama sa akin. Akmang lalapitan niya ako pero natigilan siya nang humakbang ako paatras.
“Anong ginawa mo sa anak ko?!” punong puno ng galit at sakit ang pagsigaw ko sakanya. Wala na akong pakialam kung siya ang nag-aruga sa akin. Wala na akong pakialam kung pinalamon niya ako ng ilang taon! Wala akong pakialam kung mamatay na ako ngayon!
Sinugod ko siya para hampasin sa dibdib saka ako nag-iiiyak. Bakit kailangang idamay pa ang anak ko?!
Agad naman akong napigilan ng mga nurse na lalaki at sapilitang inihiga sa kama.
“ANO BA?! BITAWAN NIYO KO!!” sigaw ko sakanila habang iwinawasiwas ang braso kong mahigpit nilang hawak. Napaiyak nalang ako nang itali nila ang mga kamay at paa ko sa kama.
“Anong kawalanghiyaan nanaman ba ‘to, Dad?!”
“Daaaad, maawa ka naman sa akin oh! Ano bang gusto mo? ‘Di ba’t sabi ko na ngang ikaw na ang bahala sa buhay ko? Susundin ko na lahat ng gusto mo, pero bakit ganito? Bakit pinatay mo ang anak ko?!”
Hindi umimik ang hayup kong ama. Binalingan niya ang doctor at bumulong.
“Are you sure about this? Ayokong mawalan ng lisensya.” Bulong pabalik ng doctor pero narinig ko. Put*ngina!
Lalo akong nagpumiglas “Anong gagawin niyo sa akin?! Haaa? Uhmmpp—“ tinakpan ng mga nurse ang bibig ko gamit ang panyo. Patuloy lang ako sa pagpupumiglas pero tuluyan na akong nanghina. Sawang sawa na ako sa buhay ko! Sana patayin nalang nila ako! Ano bang nagawa kong masama sa lalaking ito? Bakit niya ginagawa sakin ‘to?!
BINABASA MO ANG
Painful Desires (completed)
General Fiction[Warning : SPG] "Buntis ako." Agad niya akong niyakap. "Pananagutan kita. Magsasama tayo!" Sana ganoon nalang kadali iyon. Pero papaano kami magsasama nang matiwasay kung maraming hadlang? Sapat na bang panagutan niya ang lahat kung alam ko na gago...