Nakatingin lang ako kay Xander. English class ngayon, pero medyo bored ako kaya nagda-daydreaming na lang. Hay.. Xander, Xander, Xander.. kelan mo ba mare-realize na gusto kita?
Childhood friend ko si Xander. Nagkakilala kami nung 6 years old kami, kasi best friends din ang mga magulang namin. Naalala ko pa nga dati, lagi siya yung prumo-protekta sa akin. Marami kasing nangbu-bully sa akin kasi nga nerd ako, pero inaaway silang lahat ni Xander. Kapag umiiyak ako, si Xander ang nagpapatawa sa akin. Kapag masaya naman ako, mang-aasar siya. Para na nga kaming magkapatid eh.
Pero.. hindi naman bilang isang kapatid ang tingin ko sa kanya.
I'm Audrey Michelle Tan. Half-chinese ako, and I wear glasses. Favorite subject ko Physics. I'm a consistent valedictorian, at president ng Physics Club. Walang nagkaka-interes sa akin.. paano naman kasi, sino bang magkakagusto sa isang babaeng katulad ko? Kaya ayun, I'm one of the most unpopular girls here in school.
And Xander is opposite me. Kung gaano ako ka-unpopular, ganun naman siya kasikat. Isa nga siya sa mga heartthrob dito sa school, kaya maraming nagbibigay sa kanya ng love letters pero hindi niya naman binabasa. I don't know, pero I think Xander's in love with someone else already.
At kung sa tingin niyong ako iyon, well.. asa pa kayo.
Dismissal time na at kapag uwian, lagi kaming sabay ni Xander umuwi ng bahay. Ayun, nakikita ko na siya. May kinuha muna kasi siya sa locker kaya nauna na akong lumabas.
"Audie," he called. "Sorry kung late ako ah."
I just nodded. Syempre, hindi na ako magrereklamo no. Okay lang naman talaga sa akin eh :-)
Sumakay na kami doon sa kotse and he just smiled at me. Gaa.. that smile.. matutunaw na ata ako.
"Xander.. uh, may gusto sana akong itanong sa iyo eh." I said.
"Ano yun?"
"Uh.. kasi, hindi wala. Joke lang."
"Hindi, ano nga?" he asked.
"Wala nga."
"Kapag hindi mo sa akin sinabi.. may gagawin ako."
"Anong gagawin mo?" I asked him
"Eto oh.." tapos nag-smile siya then he started to tickle me. Alam niya kasi kung saan yung kiliti ko eh.
"X-xander.." I chuckled. "Tama naa.. HAHAHA.. sige.. sasabihin ko na.. HAHAHA."
Tapos tinigilan niya na rin ako. I smiled then tinanong, "Xander, may gusto ka bang babae?"
He stared at me. "Hmm? Gusto? Meron."
"Oh? Sino..?" I said.
"Secret na yun." he grinned.
"Sige na, best friends naman tayo eh."
"Hindi pwede. Hm, siguro next time na lang. Haha."
"Ang daya mo."
"Eh ikaw? May gusto ka bang lalake?" he suddenly asked. Napahinto ako sa kakangiti.
"Wala ah." I said.
"Ahaha, hindi ka nga pala nagkakagusto, robot ka kasi eh." he chuckled tapos kinurot-kurot yung pisngi ko. "Ang cute mo talaga."
I blushed. Ano baaaa yaaaan. "Ikaw talaga.. bibiruin mo pa ako."
"Haha. I love you." sabi niya. "As a best friend."
"I love you too.. as a best friend." Kahit mahirap sabihin, I still lied.
Mas mabuti na rin yung ganito.. kaysa sa masira pa yung friendship namin kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Something More
Teen FictionWhat if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audrey. She developed feelings for her best friend, Xander, pero little did she know..