Chapter 005

5.9K 168 19
                                    

Xander's POV

"Audrey, ano nga ulit yung homeworks natin ngayon?" tanong ko sa kanya nung nasa waiting shed kami, waiting for Manong Tado, yung driver niya.

"Eh? Hindi ka nagsulat?" she asked. 

Nag-smile ako. "Wala lang, nakakatamad tignan sa handbook eh."
"Tamad ka talaga." sabi niya.

I chuckled, and she did too.

"Um, meron tayong homework sa Trigo. Nasa textbook, page 213 and sa Physics naman is research about the Fokker–Planck equation. Meron tayong quiz tomorrow in Filipino about Chapter 16 of El Fili."

"Wow, memorized ah." sabi ko.

She just smiled. I smiled back at her. Then, I quickly looked away.

A week passed simula nung tinutulungan na ako ni Audrey kay Marielle. Ang dami kong nalaman tungkol kay Marielle eh, and wow.. parang wala ata kaming hindi pagkakasunduan. 

"Xander, uh, kasi.." Marielle said.

"Hmm? Bakit?"

"Ah, kasi diba bukas na yung b-ball game mo? Sorry, hindi ako makakapunta kasi may gagawin ako eh. Sorry talaga. Pero, good luck na rin."

"Oh, okay lang yun." Nginitian ko siya. 

"Sige, sorry talaga ah." tapos umalis na rin siya. Dismissal na kasi eh, kaya ako naman diretso sa court. Last practice na namin ngayon, kaya medyo matatagalan. Hmm, makakapaghintay pa kaya si Audrey?

Sakto naman, nakita ko si Jared. Whew.
"Jared, ano, pwedeng puntahan mo si Audrey? Yung best friend ko? Nasa waiting shed siya. Pakisamahan kasi male-late ako ng uwi."

"Okay." sabi niya lang at lumakad na palayo. 

Jared Arthur Villafuerte.. bagong kaibigan ko. Pero.. he's also my rival.

Nag-practice kami nang nag-practice at nung natapos na kami, pumunta ako sa may waiting shed. Hm, wala na sila Audrey. Hay.

Umuwi na ako ng bahay at gumawa ng homework. Nung kumain na kami ng dinner, binilisan ko lang at umupo sa may tabi ng telepono. Tatawagan ko ba siya? I started to press her telephone number. Tapos nag-ring, kaya bigla kong binaba. Naman, kakausapin ko lang naman siya sa telepono, bakit pa ako nagkakaganito? Kung sa personal nga kaya ko siyang kausapin, sa telepono pa kaya?

Huminga ako nang malalim at tumawag ulit. Then.. sumagot na siya.
"Hello, sino po sila?" tanong niya. Oh boy, nanginginig na ata ako.

"Audrey, si Xander 'to." reply ko naman. Okay, so far, so good.

"Erm.. bakit ka napatawag?" Bakit ayaw mo, Audrey? Sige ibaba ko na lang. HAHA.
"Ah kasi, diba bukas na yung game namin..? Ano, nood ka ah." PLEASE?

"Yep. Syempre naman."

AYUN! HAHAHAHAHA. PUPUNTA SIYA, PUPUNTA SIYA. Nagsimula akong sumayaw at ngumiti doon, at nakatingin lang sa akin sila Mama. Malapit kasi yung dining table sa may telepono, eh kumakain pa sila. I smiled at them and yumuko. Nakakahiya.

"Xander? Andyan ka pa?" 

Ano pang sasabihin ko.. naii-speechless na ako. Ah, topic na lang tungkol kay Marielle. "Ah, sorry. Eh kasi.. ano, uhm, si Marielle? Makakapunta ba siya?"

Haha, kahit alam ko namang hindi, eh anong gagawin ko? Wala akong masabi pang ibang bagay eh.
Tapos, hindi nag-reply si Audrey.

"Audrey?" I called.

"Um, hindi eh. Ano kasi, busy siya tomorrow. Pero kung gusto mo daanan na lang natin siya bukas.."
"Ahhh. Hindi na."

"Okay. Yun lang ba? Or may tatanong ka pa?" 

"Ah, wala na. Bye." sagot ko naman. Shoot, bakit ba ako nagsabi ng bye? 

"Bye na rin, gagawa pa ako ng homework eh." Okay, seriously? Gusto ko pa siyang makausap.

"Sige bye." sabi ko.
"Bye." sabi niya naman.

"Bye." 

"Haha," she chuckled. "Bye na Xander. Baba ko na 'to?"

"Ah.. sige. Bye." Wait, 'wag pa! Usap pa tayo!

"Bye." sabi niya at binaba na yung phone.

I smiled. Audrey, for me she's perfect. She's beautiful, smart, kind.. lahat-lahat na ng magandang bagay nasa kanya na. 

Pero.. sadly, best friend lang ang tingin niya sa akin. Kilala ko si Audrey, eh kahit ni minsan nga hindi yun nagka-crush. Ako pa kayang best friend niya lang since five? Well, hindi umuubra kagwapuhan ko sa kanya. LOL.

I like her.. so much. Kaso, paano ko ba sasabihin sa kanya? Ang manhid niya kasi, ako naman torpe. Dinamay ko pa tuloy si Marielle. Hindi ko naman siya gusto eh, pero wala na talaga akong maisip na ibang bagay pa para mas mapalapit pa kay Audrey. 

Audrey.. I just can't help but to fall for this girl.

Something MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon