Chapter 004

6.1K 152 6
                                    

A week passed. Tinutulungan ko si Xander with Marielle. Pero sa tuwing makikita ko silang nagtatawanan, kumikirot ang puso ko. I know I'm corny, pero diba ganun talaga kapag in love?

Pero kung may benefit naman 'tong pagtulong ko sa kanya, that is mas naging close kami ni Xander. Pero mahirap kasi.. lalo ko pa ata siyang nagugustuhan.

Naghihintay lang ako sa waiting shed and ang tagal ni Xander, grabe. 30 minutes na akong naghihintay dito. Bukas na kasi yung basketball game nila, kaya siguro ang tagal niya. Oh well, kaylangan ko pang gumawa ng homework kaya mauuna na ako. Then, sakto pagkatayo ko, bumuhos ang ulan nang pagkalakas-lakas. Wow.

"Nice timing naman 'tong ulan na ito oh.. paano ako makakauwi niyan?" I muttered to myself. Wala kasing magsusundo sa akin ngayon, and so I'm supposed to take the bus. Pero eh, kita mo nga naman, umulan pa.

"Edi sumilong ka dito." a voice said. Napatalon naman ako sa gulat.

"Ay kabayong Vice Ganda.." Naman, si Jared lang pala. At aba, tumatawa pa siya.

"Why are you laughing?" I asked.
"Wala." he said and tried to stop laughing. Pero tumawa pa rin siya. Nakakainis na ah.

"Whatever!" I said then umupo na ulit. Nakakainis na ah.

Umupo naman siya sa tabi ko and sinara yung umbrella niya. "Si Xander?"
I smiled. Lagi na lang niya hinahanap si Xander ah? Ayeeee. XD

"Nandito ba?" I said. 

"Sungit mo." tapos tumayo na siya ulit then binuksan yung payong niya. Papalakad na siya when I called him.

"Pasilong naman," I said and walked near him.

"Bakit sasakay ka rin ng bus?" tanong ko sa kanya.

"Anong masama? Sayo 'to, sayo?" tapos hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na kami. Katabi ko siya eh. Kinuha niya yung Ipod niya and listened to music.

Ako naman, nakatingin lang sa bintana. Sa bintana ako eh. Tapos maya-maya, medyo nabored ako kaya tinitigan ko si Jared. Well, yes, he's cute. Natutulog siya eh. Pero.. he's so emotionless. Yung tipong parang robot ba. Hay. 

Tapos bigla niyang binuksan yung mga mata niya. Nagulat naman ako.
"Bakit ka nakatitig?" he asked me.

"Erm.. wala lang." I said tapos tumingin ulit sa may bintana.

"You.. you like Xander, right?" bigla niyang sinabi. Whoaaaa.

"Hindi ah. Sino naman nagsabi sa iyo niyan.."

"Halata naman. You like him?" he asked.

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Close tayo?" tumingin ako sa kanya. And then he smiled.
"You know.." he said. "Well, nevermind."

"Whatever. Tsk." tapos hindi ko na ulit siya pinansin.

Nung gabi na, kakain ko lang ng dinner nang may tumawag sa telepono.
"Hello, sino po sila?" I asked.

"Audrey, si Xander 'to." he said. Bigla naman nag-skip ng beat yung heart ko.

"Erm.. bakit ka napatawag?"

"Ah kasi, diba bukas na yung game namin..? Ano, nood ka ah."

"Yep. Syempre naman."

Hindi siya nag-reply ng one minute. "Xander? Andyan ka pa?" 

"Ah, sorry. Eh kasi.. ano, uhm, si Marielle? Makakapunta ba siya?"

GOTCHA. Marielle na naman. Kung kanina ngumingiti ako, I suddenly frowned. Hayyy.

"Audrey?" he called.

"Um, hindi eh. Ano kasi, busy siya tomorrow. Pero kung gusto mo daanan na lang natin siya bukas.."

"Ahhh. Hindi na."
"Okay. Yun lang ba? Or may tatanong ka pa?" 

"Ah, wala na. Bye." sagot niya naman.

"Bye na rin, gagawa pa ako ng homework eh." Okay, seriously? Gusto ko pa siyang makausap.

"Sige bye."
"Bye." I replied.

"Bye." sabi niya naman.

"Haha," I chuckled. "Bye na Xander. Baba ko na 'to?"

"Ah.. sige. Bye."

"Bye." I smiled then I hang up the phone.

Something MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon