Chapter 003

6.3K 156 13
                                    

"Sa tingin mo, magugustuhan kaya ako ni Marielle?" tanong ni Xander sa akin. Nandito kami ngayon sa park. Haha, favorite place namin 'to eh.

"Oo naman." I said. Alam ko na kasing gusto naman talaga siya ni Marielle. Sino ba naman kasing babae ang hindi mahuhulog sa kanya no?

"Talaga lang ah.." sabi niya. "Bored na ako. Laro tayo." 

I smiled. "Isip-bata ka talaga." Tapos tumayo na ako. "Anong laro?"

Xander smiled back. Tumayo na rin siya tapos tinapik ako. "Taya," tapos ayun, tumakbo-takbo at aba, binelatan pa ako.

"Kapag nahabol kita, manlibre ka ng ice cream ha!" I shouted. 

"Pero kapag hindi mo ko nahabol, ikaw ang manlilibre."

Ngumiti ako at hinabol ko siya. Ang hirap niya namang habulin, ang bilis kasi tumakbo. Hinihingal na ako pero siya takbo pa rin ng takbo. Ayun, napahiga ako sa damuhan dito sa park. 

"Ayoko.. na.. suko.. na ako.." I said, trying to catch my breath.

"Ice cream ko?" he grinned. Aba, yung ice cream pa talaga inisip no? Humiga siya sa tabi ko and he extended his arms. Hinihingal na rin pala siya.

"Xander.. ha.. ano.."

"Bakit?" he asked.

Tinapik ko yung shoulders niya at tumayo agad. "TAYA!" sabi ko habang tumatawa. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya.

"Aba!" Xander said. Hinabol niya ako at binilisan ko pa rin yung takbo. Pero ang bagal ko eh, siya mabilis. Kumbaga, ako ang pagong siya ang kuneho.

"Huli ka.." he whispered tapos binalot ang mga kamay niya bewang ko. Bumulong siya sa may tenga ko and.. he is so close to me.

"Ano ba Xander.. K-kasi.." ang bilis ng tibok ng puso ko. Namumula na ata ako.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabing ililibre mo ko ng ice cream."

"Oo na.. b-b-b-bitawan mo na ako.." I chuckled. 

Pero hinigpitan niya pa ang hawak sa akin. "Promise?"

"Oo nga! Bitawan.. m-mo na ako.." tapos binitawan niya na ako at natumba ako sa lupa. Araaaay. Pero ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. 

"Namumula ka." Xander said.

"Oo nga.. ang kulit mo kasi eh.." tapos tatayo na sana ako nang sumakit yung tuhod ko.

"Audrey, nagdudugo yung tuhod mo. Natamaan ata sa bato." Xander said.

Inalayan niya ako tumayo. "Masakit ba?" he asked.

"Ay hindi, ay hindi. Ang sarap magkasugat. Ang laki oh, dumudugo pa. ANG SARAP, GRABE."

"Audrey naman.. nagbibiro ka pa dyan. Wait lang," he said tapos kinuha yung panyo sa bulsa niya. Tapos binalot niya sa tuhod ko. 

"Okay na siguro 'yan. Sorry ah, napalakas ata ang tumba ko sa iyo." he said.

"Okay lang 'to. Pero.. uhm, hindi ako masyadong makatayo eh."

Xander sighed. "Sige, bubuhatin na lang kita." tapos lumuhod siya. Nakatalikod siya sa akin. "Angkas na." 

"Ngee, ayoko nga. Nakakahiya no." sabi ko. Talaga naman eh. At saka.. nenerbyosin lang ako. 

"Sige na. Anong gusto mo, iwan na lang kita dito mag-isa hanggang bukas?"

"Pwede? Haha." sagot ko.

"Kung ayaw mong umangkas edi.." sabi niya tapos humarap sa akin. Kinuha niya yung mga kamay ko at nilagay ito sa leeg niya. Namumula na naman akooo. Ano baaaa. Tapos hinawakan niya yung mga binti ko and he slowly stood up.

"Ang bigat mo. Taba-taba mo kasi eh," sabi ni Xander.

"Hala. Ang payat-payat ko nga." 

"Haha. Joke lang. Okay.. buti na lang sing-lakas ako ni Superman." he said then chuckled.

Tumawa lang ako then naglakad na siya. Hindi naman ata siya nahihirapan eh, edi ibig-sabihin magaan nga ako. HAHA.

Naglakad kami pabalik ng bahay. Buti na lang walang tao sa paligid. Tapos binaba niya na ako nung nakarating na kami ng bahay ko. Tinanong naman ni Mama kung anong nangyari, pero okay lang naman ako sabi ko. Masyado kasing nagpa-panic si Mama, eh malayo naman sa bituka yung sugat ko. Haha.

"Sorry talaga ah." Xander apologized.

"Oo na nga. Paulit-ulit, paulit-ulit?" I grinned.

"Haha. Sige, bye na. Text na lang kita mamaya.

"Okay. Byieee." I smiled at him tapos umalis na rin siya ng bahay.

Nung matutulog na ako, naka-receive ako ng message from Xander. At napangiti ako sa text niya.

Ice cream q ha? :) Nyt nyt.

Something MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon