Love. Hindi naman puro saya yan eh. Most of the time, it's sad, heartbreaking..
Paano mo nga ba malalaman kung tunay ang pag-ibig? Kapag marami siyang binibigay na regalo sa'yo? The hugs and kisses? Kapag pinapakilig ka niya sa mga banat niyang nakukuha niya sa TV? Kapag ipinagsisigawan niyang mahal ka niya at wala ng iba? O kaya naman kung lagi ka niyang pinapangiti? No. That's not it.
I'm Audrey Michelle Tan, at natunghayan at nasubaybayan niyo ang istorya ko. I'm in love with my best friend, Alexander Joseph Martinez- who turns out to be in love with me too.
Siguro ilang beses na kayong nahulog sa isang tao. Or you thought so. Diba sa una ang sarap ng pakiramdam? Pero.. wala naman pa lang sasayo sa iyo eh, kaya ang sakit-sakit.
Ang pag-ibig... parang pagtakbo lang yan sa isang marathon. Sa unang lap ginaganahan ka, malakas ka pa at walang balak sumuko... pero as the race kept on going, unti-unting nawawala ang sarap. Nasasaktan ka na, napapagod.. nahihirapan at gusto nang huminto. Well, you have your choice. It's either titigil ka o magpapatuloy pa. Kung hihinto ka? Mauunahan ka ng iba at matatalo ka. At kung magpapatuloy ka... malalaman mong there's something more.. something better, something that could make you happy and satisfied. And.. sa oras na makamit mo ang premyong pinakainaasam-asam mo, mawawala lahat ng sakit at pagod... makakalimutan mo lahat iyon sa sobrang tuwa.
Hindi naman lahat ng tao may happy endings sa love eh. May mga nabibigo rin. Pero hindi kaya plan lang yun ni God para ma-realize mo na there could be something more para sa'yo? Na ma-realize mo na may mas hihigit pa sa kanya, na hindi mo siya deserve... na ang deserve mo ay isang taong aalaga at magmamahal sa'yo.
Love is painful... but at the same time it makes you feel happy. Yang pain na 'yan... yan ang nagpapatibay sa iyo, sa inyo. Kung kaya niyong malagpasan lahat ng pagsubok, gaano pa kalaki yan, then... there could be something more. Palagi namang may something more eh. Hindi lang natin masyadong napapansin iyon kasi we focus so much on that thing that we already have. There's something more.. kahit na mukang imposible, kahit na hopeless... there's always something even better than that thing you already own.
"So, 'wag mong sabihing hindi pa rin kayo talaga magpapakasal niXander?" Marielle asked.
I chuckled. "Haha, ewan ko ba dun. Basta ako, handa akong maghintay pag ready na kami."
"And kelan naman iyon, huh? Like, 20 years from now? The two of you are too innocent, wala kayong pupuntahan niyan."
Napangiti ako. "Nako, porke kayo ni Jared may anak na... and ngayon, may susunod pa." I stared at her stomach. "Oh baby, 'wag kang gagaya sa mommy mo ah, masyadong nagmamadali."
"Loko ka talaga, hindi naman ako nagmamadali eh. Malay ko bang mabubuntis ako kaagad? And besides, stable naman ang family namin eh. And I'm like, 29 already. Eh ikaw?"
"Eh kase naman no..."
"Hala ka, baka may iba yan si Xander kaya ayaw kang pakasalan." she joked.
"Oy, loyal sa akin yun no. Ewan ko sayo."
"Basta, ako bridesmaid mo ah?"
"Eh may kakasya ba sa'yong gown sa laki ng tyan mo?" sabi ko sabay tawa. She glared.
Namimili kami ni Marielle ng mga Christmas gifts para kung kani-kanino. Then finally, tapos na kaming mag-shopping at nag-bye na ako kay Marielle. May bibilhin pa siya eh. I started the engine and drove away, papunta sa bahay.
Si Xander... kelan kaya siya magpro-propose sa akin? Uh.. Audrey, be patient. Siguro di pa ready si Xander.
"Merry Christmas!" bati ko kina Mama. Nilagay ko yung mga regalo sa ibaba ng Christmas tree, then stood up. Nandoon yung buong family ni Xander, kasama na si Elaine pati Kuya Andrei ni Xander. Grabe, talagang na-surprise ang lahat sa plano nila Elaine at Xander. Pero okay naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
Something More
Teen FictionWhat if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audrey. She developed feelings for her best friend, Xander, pero little did she know..