Chapter 007

5.8K 144 19
                                    

"Audrey," Marielle said. "Alam mo.. parang ang sweet ni Xander sa akin nowadays."

Nasa cafeteria kami ngayon. As usual, punung-puno ng mga tao and maingay.
"R-really?" I said, acting innocent.

"Oo. Alam mo yun? Parang may crush siya sa akin." 

OO. ALAM KO. MAY CRUSH KASI SIYA SA IYO EH, OKAY?
"T-talaga..? Baka nga." I smiled. 

"Hay.. alam mo best, gustong-gusto ko talaga si Xander eh. Hindi ko alam kung bakit, pero para bang we're meant for each other. Haha, corny no."

Ngumiti lang ako. Hay. 2 days ago, nung pumunta kami sa may arcade, for that moment nakalimutan ko na may gusto nga pala si Xander kay Marielle.. tapos eto na naman ngayon, sumasakit ulit puso ko. Huhuhu.

"Hey. Paupo ah." someone said.

Napalingon naman kami ni Marielle. Oh, it's Jared pala.
"Um, sure." I said.

Nakatingin lang kami ni Marielle sa kanya. Bakit kaya hindi siya umupo doon sa table ng mga classmates niya? Well.. para tuloy siyang loner.

"You know him?" Marielle asked me. 

"Uh.. yeah." I said.

Kumakain lang si Jared. Natahimik lang kami and ako nakatitig lang kay Jared.
"Yee, baka matunaw na siya nyan." Marielle whispered.

"Huh?" sabi ko. 

"You like him no? Ikaw ah, hindi mo ko kinukwentuhan."

"Eh? Hindi ah. He's just a friend of Xander."
"Talaga? So.. does he know kung sinong crush ni Xander?"

"Hindi ko alam eh." 

I sighed. Ayoko naman kasing magkatuluyan sila Xander at Marielle, pero ano pa bang magagawa ko? They are compatible with each other, and both of them are my best friends, so dapat maging masaya ako for them diba?

Kung sana nga lang ako na lang si Marielle.. pero that won't happen.

Xander will never like me.

Nandoon lang ako sa waiting shed, naghihintay kay Xander. Ang tagal niya nga eh.
"Psst." someone called.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Omo, sino yun? Minumulto na ata ako.
"Sino yan?" I asked.

"BOO." may humipan sa pisngi ko. And when I turned to my side, natumba ako dahil nasa tabi ko na pala si Jared.

I touched my cheek. "Ano ba, 'wag ka ngang manggulat dyan."

"Haha." he laughed. I stared at him. Tahimik siya, pero ewan ko ba kung bakit ganyan siya kapag sa akin? Like, I think loner siya sa classroom nila eh.. then sa akin asar nang asar at lagi akong pinagtri-tripan. Hm, what's with him?

"Hm," he offered his hand. I took it and tinulungan niya ako tumayo.

"Bakit ka nga pala nandito?" I asked him.

He didn't reply. Tapos umupo siya sa bench dito sa waiting shed. Tinabihan ko naman siya.
Tinitigan ko ulit siya. He's really weird O __ O

"Stop staring." he said then may kinuha sa bag niya. Earphones, tapos nakinig lang siya ng music.

Weird talaga.

"Xander, kaylan mo pa ba naging friend si Jared?" I asked Xander. Nasa kotse na kami.

"Hm, this year lang. Transferee siya eh. Nakilala ko siya kasi classmate siya ni Mark. Kaya ayun, pinakilala ni Mark sa amin and naging friends naman kami. Pero ang tahimik niya eh, kaya hindi kami ganun ka-close."

"Ahh.." I nodded. 

"Bakit mo nga pala natanong? Bakit.. 'wag mong sabihing.. crush mo siya?" 

Hinawakan ni Xander yung braso ko. Then he is like staring at me so seriously. Huh? 
"Kung crush ko nga siya, what's the big deal? Ikaw may Marielle ka tapos ako may Jared. Diba?"

KUNG ALAM MO LANG XANDER, IKAW ANG CRUSH KO NO.

"Talaga.. sige.." binitawan niya ako and he sighed.

"Haha, joke lang yun no. Kilala mo naman ako Xander eh, never akong nagka-crush."

"Yun nga eh.." he mumbled.
I just smiled. "Xander, ano nga palang nagustuhan mo kay Marielle?"

Xander rubbed his chin. "Siguro kasi.. ANG TAGAL na namin mag-kaibigan diba? Tapos cute siya eh, saka sobrang MATALINO. Siguro maganda din siya kung may suot na SALAMIN.. haha, siguro mas maganda siya pag ganun.."

"Oh? Haha, hindi naman ata eh. Hindi bagay kay Marielle magsalamin, baka maging kamukha ko siya. Baka maging panget din siya nun." I said.

He sighed. "AUDIE, AUDIE, AUDIE.. Ang slow no? Ang slow.."

"Huh? Anong slow?"

"WALAAAAAAAAAAAA." he said.

I just chuckled. Hindi ko talaga ma-gets 'to si Xander.
"Audie, paano kung.. may taong may gusto sayo, tapos torpe siya kaya hindi niya maamin?"

"Huh? Bat mo naman natanong yan.. saka imposible yun no, walang magkaka-crush sa akin."

"Kunwari lang. Sige na. Haha." sabi niya.

"Hmm.." I stared at him. "Edi flattered ako? Haha."

"Eh paano kung mag-confess siya sayo?" he asked.

I smiled. "Edi ire-reject ko siya."
"Eh paano kung friend mo siya? As in, a close friend?" tanong niya pa.

"Still, it's better if friends na lang kami." sabi ko.
"Ganun ba.. ahh.." he frowned.

Kung mangyayari man ang sinasabi ni Xander.. kung sino man ang mag-confess sa akin.. ire-reject ko. Bakit? Because I'm already in love with someone else.. which is Xander.

Something MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon