Inayos ko yung sarili ko and looked at myself in the mirror. Gwapo na ata ako. Hahaha.
Kinuha ko yung cellphone ko and nag-GM ng, "EXCITED NA AKO SA ARAW NA ITO!"
Yeah, I'm really excited. Tinawagan ko si Audrey doon sa phone niya, pero di naman siya sumasagot. Baka tulog pa. Eh ayoko naman pumunta sa bahay niya kasi nakakahiya. Hay.. kahit ilang araw lang kaming 'di nagkita, nami-miss ko na siya agad. Eh paano ba naman kase, busy kami ngayong linggo na ito. Inayos na namin yung mga kaylangan pang ayusin, at ngayon... ang araw ng kasal. I smiled widely.
Ano kayang magiging reaksyon ni Audrey kapag nalaman niyang....?
[FLASHBACK]
Kinakabahan ako. Paano ko ba sasabihin 'to? Alam kong masasaktan ko si Elaine... lalo na at malapit na ang kasal namin. Paano kong sasabihing nandito ako sa park at naghihintay para kay Audrey---- ang babaeng mahal ko?
I took a deep breath and cleared my throat. "Elaine, may ipagtatapat ako sa'yo."
She smiled. "Wow.. may ipagtatapat rin sana kasi ako sa'yo kaya kita pinuntahan.""Talaga? Ano yun? Mauna ka na." sabi ko.
Huminga nang malalim si Elaine. She bit her lip, she does that when she's nervous, and avoid my eyes. "Kasi.. Xander... I'm not in love with you. In love ako sa Kuya Andrei mo. Sorry kung ginamit kita para mapalapit sa kanya... sorry talaga. Pero Xander, si Andrei talaga ang mahal ko eh, and I can't afford to marry someone I don't even love..."
Nagulat ako sa sinabi niya. Then I smiled. "Elaine.. I.. feel the same. I'm in love with someone else. I'm in love with a girl all my life.. at siya lang talaga ang minamahal ko."
This time Elaine looked at me. "Audrey?"
I chuckled awkwardly and nodded. "Yes, Audrey." Then Elaine smiled at me. Nagkangitian lang kami, and silence came after that. Napalunok ako ng laway, "Pero Elaine paano yung kasal..?"
She nodded. "Alam mo, may naisip ako... what if i-surprise natin sila? You know... kasi balak namin sana ni Andrei magtanan... hehe.. pero what if sabihin natin sa araw ng kasal na ako at si Andrei na lang ang ikakasal?"
"Good idea." I said. Natuwa si Elaine at sa sobrang tuwa niya, napayakap siya sa akin. She whispered, "Sorry ah, natutuwa kasi ako eh..." And I just hugged her back. When she let go of me, doon ko nakita si Audrey. Elaine winked at me and kinausap si Audie that time. She told her that Elaine and I are getting married... but in fact hindi naman talaga.
*end of flashback
Pogi na kaya ako? Ano kayang sasabihin ni Audrey kapag nalaman niya na pwede pang magkaroon ng something more sa amin? I'm really excited. Kaso, ni hindi nga nag-rereply si Audrey sa text ko... eh, bahala na nga. Sigurado ako pupunta yun kasi best friend niya ako. Diba...?
"Nakita mo ba si Audrey?" I asked Erika, yung sister ni Audrey. Pero wala daw, hindi niya nakita. Huh.. nasaan na yun? Tinanong ko pa yung ibang mga nandoon, yung mga batchmates namin, friends ni Audrey.. pero wala. And, I saw Marielle doon sa may corner.
Nilapitan ko siya habang inaayos yung tie ko. "Hey,"
She raised her head. "Oh, Mr. Groom. Bakit?""Ano, nakita mo ba si Audrey?" I asked. She stared at me.
"At bakit naman? Wala pa ba siya dito?"
I nodded. "Sabi niya pupunta siya pero..."
She smiled. "At kung hindi naman siya pumunta... wala namang masama diba? Plus, you know that she's still in love with you. Hindi siya masochistic Xander, masasaktan lang siya kung makikita ka niyang ikakasal na sa iba."I took a deep breath. "Marielle, you see... I'm not getting married."
She widened her eyes, confused. "Huh? What do you mean?"
I explained it to Marielle, lahat-lahat, yung plano namin ni Elaine. Nagulat siya and then... after I finished talking, a wide grin formed in her face. Then she started to chuckle. Hala, nabaliw na ata?
"Uy, bakit ka nagkakaganyan?" tanong ko sa kanya."Eh kasi naman... I knew this would happen. Sabi na eh, hindi mo matitiis ang best friend natin. Audrey's really something for you, huh?"
I nodded and blushed a bit.
"Xander, pumunta na ng Paris si Audrey. Kahapon pa. Para daw maka-move on sa'yo..."
"HUH? Eh paanong... kaylangan kong sabihin sa kanya na siya ang mahal ko!" Panic settled in. Paano na 'to? Kaylangan ko siyang puntahan... or it might be too late.
"Uy, relax ka lang. Sabi ko nga sa'yo, alam kong mangyayari 'to kaya... I brought these," she said and may kinuha sa bag niya. And.. a plane ticket."Marielle...?"
"Go Xander. Bilisan mo na, baka nag-suicide na si Audrey eh.. joke. Sige na. Ako nang bahalang magsabi kay Elaine at sa iba."
I smiled at her. "Thank you Marielle. Thank you talaga!" I ran as fast as I could after that, bumalik ng bahay, hindi na nagbihis at nagimpake agad. I quickly went to the airport.
Audrey.. please wait for me.
BINABASA MO ANG
Something More
Teen FictionWhat if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audrey. She developed feelings for her best friend, Xander, pero little did she know..