Chapter 008

5.5K 141 4
                                    

Tuesday morning, maaga ako gumising. Ewan ko ba, pero wala ako sa mood eh. Tumingin ako sa may terrace at tulog pa si Xander. Yung kwarto ko kasi nga sa harapan lang ng kwarto niya, diba? Eh patay yung ilaw, kaya tulog pa siya. Saka hindi naman maaga gumigising yun eh.

I took a bath and prepared my things. Siguro mga 5 in the morning palang. Nung bumaba na ako, gising na si Mama at Papa. Maaga kasi silang gumigising eh.

"O, Audrey, it's so early pa. Sasabay ka sa amin? What about Xander?" Mom said.

"Okay lang po yun. At saka, next week na po yung test namin kaya I want to study more."

"Ganun ba? Eat your breakfast na." 

I nodded. Kumain na kami tapos hinatid na ako nila Mama sa school. Bukas na rin naman yun eh, kahit maaga pa. Tapos pumunta ako doon sa may lobby to get some of my stuffs in my locker. When I closed it, someone covered my eyes.

"Huh? Sino 'to?" sabi ko. Tapos tumawa yung kung sino man ang nasa likod ko. Lalake eh. "Ano ba, sino ka ba?"

Tinanggal niya na yung kamay niya and I turned. It's Jared.
"Ikaw lang pala." 

"Yah. Bakit ang aga mo?" tanong niya.

I shrugged. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan."
"Maaga talaga akong pumupunta ng school. Hm."

"Ahh.. okay." tapos maglalakad na sana ako palayo sa kanya when he started to follow me. "Bakit mo ako sinusundan? Hindi naman kita classmate eh."

He didn't reply at all. Nilagay niya lang yung kamay niya sa bulsa niya. I rolled my eyes and nagpatuloy na lang sa paglalakad. When I reached our classroom, tumingin ako sa likod and he's still there.

"Hay. Sige na nga, maaga pa naman eh. Wala akong kausap," I said.

He smiled and pumasok kami ng classroom. Umupo ako doon sa may seat ko and tumabi sa akin si Jared.
"Ano nga palang buong pangalan mo?" I asked him. Para may topic naman.

"Jared Arthur Villafuerte. Bakit interesado ka?"
"Villafuerte? That's familiar."

"Apo ako ng may-ari ng school eh." he said.

I widened my eyes. "T-talaga? Eh bakit this year ka lang lumipat dito?"

He smiled. "Actually, doon lang ako nag-school sa Good Sheperd. Yung boys school na malapit dito."
"Oh? Eh bakit ka nga lumipat?" tanong ko ulit.

"Kasi.. secret. Haha." he smiled.

Nakatitig lang ako sa kanya. He really is weird. Bakit ganyan siya pagkasama ko, he's smiling and laughing and chatting and all that. Pero kapag sa iba, he's like a robot na kaylangan mong lagyan ng battery para lang magsalita.

I sighed. "Jared.. can you keep a secret?"

"NO." he answered.

"Weh? Edi huwag na."
"Haha, joke lang. Ano bang secret?"

Huminga ako nang malalim. "Remember nung nasa McDo tayo? When you asked me kung gusto ko ba si Xander?"
"Yaahhh." he nodded.

"Well.. may gusto talaga ako sa kanya eh."

Jared is expressionless. "Hm."
"Pero.. may gusto siya kay Marielle eh, yung best friend ko. So, alam mo yun? Your two best friends ending up with each other? Bagay naman sila.. and ano nga naman ba ang mailalaban ko kay Marielle? She's pretty. Eh ako? Brains lang."

"Cute ka naman ah.." Jared smiled.

I blushed. "Huh? Hindi k-kaya."
He patted my head. "Mukha kang tuta." Then he chuckled. I frowned.

"Heh." tapos pinisil-pisil naman ni Jared yung pisngi ko.

"Aray ko naman. Ouccchhh." grabe naman kasi no, ang sakit kaya. Namumula na ata pisngi ko.

Jared smiled. "Basta, Audrey.. kung kaylangan mo ng makakausap, nandito lang ako." 

That smile. Yes, that smile. That sweet smile. My heart skipped a beat.
"Sige.. thanks.."

A sweet smile that reminds me of Xander's. Bakit ba hindi ko kayang kalimutan na lang si Xander? Haaaaaaay.

Xander's POV

"Erika, si Audrey?" I asked Erika, Audrey's younger sister.
"Hm, nauna na si ate eh. Maaga siyang gumising, kaya sumabay na siya kina Mama."

"Huh? O sige.." Sumakay na ako ng kotse and crossed my arms.

Bakit naman ang aga ni Audrey ngayon? Hm. Nakakawalang-gana tuloy. 

Nung nasa school na ako, pagkababang-pagkababa ko ay nakita ko agad si Marielle doon sa harapan ng school gate. Nung nakita niya ako, she smiled at me.

"Xander!" lumapit siya sa akin. "Good Morning."
"Uhh.. Good Morning." I replied.

She blushed. "Sabay na tayong pumunta ng classroom." 

I nodded. Tumingin-tingin ako sa paligid. Baka nasa classroom na si Audrey. Nung napunta na kami sa classroom, nakita ko naman siyang kasama si Jared. And.. tumatawa silang dalawa. I think they're having so much fun.

"You know.. hindi ko alam ah, but I think Audrey likes that guy." sabi ni Marielle nung sumilip siya sa may pintuan. Yung pintuan kasi ng classroom namin ay may glass, kaya pwedeng sumilip. Nandito pa kami ni Marielle sa labas ng classroom.

"Talaga..? Bakit naman?"

"Eh kasi, kahapon, titig nang titig si Audrey sa kanya."

Tumingin ako sa kanila. "Baka naman hindi. You know Audrey, hindi siya nagkakagusto."
Marielle smiled. "That's the thing. And look at them, ang saya-saya nila. Hindi naman ganyan si Audrey sa ibang lalaki eh." she commented.

I frowned. Oo nga naman. I mean, si Jared na hindi niya pa masyadong kakilala? Parang close na sila eh. Hindi katulad kapag kasama ako ni Audrey, parang.. she's always hesitant. And parang gusto niya laging hindi na kami magka-usap. Haaaay.

Pumasok na kami ni Marielle sa classroom and Marielle held my hand. Nakatingin naman si Audrey and Jared sa amin.
"Good morning," Marielle greeted.

"Um.. g-good morning." she said. Nawala yung smile niya.

"Sige, Audrey, bye na." Jared stood up. Tumayo din si Audrey.
"Ano, samahan na kita." sabi niya. Tapos lumabas sila ng classroom. Nakatingin lang ako sa pintuan when Marielle spoke.

"Bagay sila no?" she said.

"I guess.." I mumbled. 

Hindi ko alam, pero wala na talaga akong gana. Haaayyy. Galit na ako. 

Audrey, bakit hindi na lang ako ang magustuhan mo? Wag na si Jared, ako na lang.

Something MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon