Chapter 033

3.9K 106 8
                                    

They look so happy together.. kaya ang sakit-sakit nang nararamdaman ko ngayon. Para bang sinaksak ako ng kutsilyo dito sa puso nang paulit-ulit na beses. I just wanna leave that scene and disappear.

Pero bago pa ako makaalis, Elaine saw me. "Audrey!" she called with much enthusiasm, kaya wala na akong nagawa kung hindi lumingon. Ano ba naman 'to, akala ko makakaalis na ako doon eh.

Umiwas ako ng tingin kay Xander. "Uh.. hi." 

Elaine chuckled, and hooked her arms with Xander's. OUCH lang ah. "Nasabi na ba sa'yo ni Xander na ikaw ang magiging bridesmaid ko?" tanong naman nito. So, pinapaalala pa?! Hahaha, sorry, nakakainis kasi eh.
"Yeah.." I nodded. 

"Well, Audrey, sorry pero kasi.. may bago nang bridesmaid eh. Yung pinsan nila Xander. Sorry talaga." she apologized to me. Gusto kong tumalon sa tuwa, sumigaw nang: "YOOHOOO, yes!" Pero instead, I just nodded. "Pero invited ka pa rin naman eh." 

"Yeah..." I said weakly. "Uh, sige, kelan ba yung kasal niyo?"

"Sometime next week." Elaine replied. WHAT?! NEXT WEEK? Eh kaka-engage lang nila last week ah? 
"Woah, ang bilis naman." I commented. 

Elaine chuckled. "Actually, napagplanuhan na namin 'to ni Xander last year pa lang. Medyo na-late lang kaming mag-inform sa parents ni Xander kasi we're really busy back at America."

I nodded. Tapos, pagkalipas nang ilang minuto, napatingin na rin ako sa wakas kay Xander. And... he was staring at me. Nagkatitigan kami for like, 5 minutes before he smiled at me. 

"Hope you can come, Audie." he said. Pangiti-ngiti pa siya. Pa-Audie-Audie pang nalalaman. Eh kung sapakin ko kaya 'tong lalaking ito? Akala ko ba ako ang mahal niya? Nakipag-break pa ako kay Jared... for this?!

Sa totoo lang ah, umiinit ang ulo ko! Ano ba naman 'to. I wanna go home. "Ah, okay, so.. congrats! Hehehe. Sige, aalis na ko.. haha! Bye!" I said. At bago pa sila nagsalita, agad na akong tumakbo palayo. Tumakbo lang ako nang tumakbo, basta malayo sa kanila. Hanggang sa nasa bahay na ako, pumasok ako sa kwarto and when I'm finally alone.. tears started to flow. 

Naiinis talaga ako. Nakakaiinis... bakit ba kasi siya ganun? Umaasa na naman akong may something more sa aming dalawa... and... sa huli wala rin naman pala.

Jared's POV

"I finally.. did it." sabi ko kay Marielle. Kasi naman.. ganito kasi yun... kanina, nung kakaalis lang ni Audrey nang Yeti Plaza, mag-isa lang akong nakaupo doon sa bench at.. uh.. naiiyak. And bigla na lang may lumapit sa akin and nakiupo sa tabi ko. Yun pala.. si Marielle pala. Kaya pumunta kami dito sa restaurant dahil napansin niyang mukha daw akong malungkot.

"Ahh.. I see, so.. ano nang balak mo ngayon? You still love her, don't you?"

I nodded. "Hindi ko alam, pero, ikaw.. paano mo nakalimutan si Xander?"
She smiled. Napatingin siya sa may labas, tapos tumingin ulit sa akin. "Time can heal. That's all I could say. And.. if you truly accept the truth na, then you can move on. I guarantee you that."

"Ahhh.. interesting.."

Natawa siya. "Hindi ka naman mahirap mahalin eh, Jared. Minsan nga lang nakakatakot ka. I mean, para kasing wala kang expression palage. At yung boses mo? It's reallllly deep. Like, AOOOUUDRRREEEEY. And you're really tall. At sabi sa akin ni Audrey, ang corny mo daw mag-joke."

"Ouch. Tao din ako." sabi ko sa kanya. Nagtawanan lang kami doon na parang mga may sira ang ulo. Tapos, nagkatitigan kaming dalawa. 

Ngumiti siya at itinaas yung baso niya nang kaunti. "Cheers para sa mga forever alone?"
I half-smiled. "Cheers."

Xander's POV

Nang makauwi na ako, agad akong pumunta sa kwarto at umupo doon sa may desk ko. Inabot ko yung photo album and opened it. Tinititigan ko yung mga pictures ni Audrey dito. Ang dami nga eh, meron nung mga bata pa kami, tapos nung elementary then high school. Ang tagal na pala namin mag-best friend.. at, hindi ko alam na pareho pala kami nang nararamdaman para sa isa't-isa. Sayang.. edi kung hindi pala nangyari yung nangyari sa akin noon, edi sana pala.. edi sana baka hawak-hawak ko ang kamay ni Audrey ngayon at bukas kami ikakasal.

Napangiti ako. Ang bilis naman ng panahon, 'di ko namalayang matanda na pala kami ngayon. At ang nakakatawa pa, kahit matagal na pala kaming may feelings para sa isa't-isa, hindi parin nag-dedevelop yung relationship namin. Walang something more, walang kami at walang commitment. 

Hay... I really really like her. No, I don't like her.. I love her. Akala ko noon imposible na magkagusto rin siya sa akin, pero nung nalaman ko naman na the feelings are mutual.. doon naman hindi pwede. Natakot kasi ako. Natakot akong iwan siya.

Flashback

I opened my eyes. Hmm.. nasaan ba ako? Ang liwanag dito. At puro puti pa. Di kaya nasa langit na ako? Haha, joke lang. Pero.. ah... wala na akong maalala kung anong nangyari. Pagkabukas ko agad nang mga mata ko, sila Mama agad ang una kong nakita.

"Ma.. Dad.. hmm?" I mumbled. I sat up. Teka, nasa ospital ata ako?

"Xander, hijo, buti naman at nagising ka na.." sabi ni Mama, and I know, kakaiyak niya lang. Mulang-mula na kasi yung mga mata niya. I smiled at her and took her hand.

"Bakit ka po umiyak ma?" I asked. Nang tanungin ko yun, she said nothing and instead may namuo na namang mga luha sa kanyang mga mata. And she broke down and finally cried out loud. Dad pats her back and looks at me.
"Xander.. kanina, you suddenly collapsed. Kaya dinala ka namin dito.. and.. ijo anak.. you.. meron kang brain tumor."

"B-brain.. tumor? But, that can't be..."

"Sorry anak.. pero kritikal na ang kundisyon mo. You need to be operated as soon as possible. Kaya nga napagdesisyunan namin ng Mom mo na sa Amerika ka na lang magpa-opera.."

I can't believe it. I'm still young. Pero.. pero... no.. 

End of Flashback

Kahit ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi naman, ang bata ko pa nun, tapos magkakaroon ako ng ganung kalalang sakit? At sabi daw nila.. may possibility daw na makalimot ako after the operation. I don't wan that to happen. Ayokong makalimutan ang mga taong mahalaga sa akin.. sila Dad, Mom, Jenie, Kuya Andrei... my friends... and Audrey. Especially Audrey. I was in love with her that time, pero natakot akong mawala siya sa akin. Natakot ako na kahit ang daming taon na naming magkasama... sa isang saglit makakalimutan ko na lang siya. 

Natakot ako. Kaya kahit na malaman kong mahal niya din pala ako.. may halong tuwa at sakit ang naramdaman ko noon. Masaya, oo, kasi pareho pala kami nang nararamdaman.. tapos masakit kasi nga hindi pwede. Pero mas mabuti na rin yung ginawa ko noon.. na pinili kong iwan na lang siya. Inisip ko noon na at least pag namatay ako galit sa akin si Audrey.

Pero ngayon.. pinagsisisihan ko na. Oo, pagka-opera ko noon nakalimutan ko ang lahat. Pero tinulungan ako nila Papa na maalala yung lahat-lahat, kasama na yung mga memories ko with Audrey. Pero nung mga panahong iyon, nakatitig lang ako sa mga litrato ni Audrey. There's something familiar with her.. pero nung tinititigan ko ang picture niya, wala akong naramdaman. There was nothing. I thought my feelings were gone just like my memories were. 

And then I met Elaine. Nakilala ko siya noong 3rd year college ako, and she reminds me of Audrey. She's beautiful, intelligent, mayaman, mabait.. lahat na. Akala ko siya na ang papalit kay Audrey.. and I loved Elaine. I knew she was the one for me.

Until nagkita kami ni Audrey nung reunion. 

It felt really different seeing her sa personal, ibang-iba sa mga pictures at mga panaginip ko about her. Ibang-iba sa mga memories na unti-unting nanumbalik sa akin. Iba ang pakiramdam ko noon.. I realized that I was still in love with her. Na kahit makalimutan ko pa siya, hindi naman siya makakalimutan ng puso ko. She was the only girl I fell for. Audrey.. oh Audrey..

Nanumbalik ako sa sarili ko nang mapansin kong umiiyak na pala ako. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha, at kahit pigilin ko, hindi ito nagpapapigil.. mahal ko kasi talaga siya eh.. sobra... 

She's my best friend.. and I believe there could be something more between us. I do believe.

Something MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon