Audrey's POV
Maaga akong gumising. Laro nga pala nila Xander ngayon. Hay, ayoko sanang pumunta kaso no choice ako eh, nasabi ko na kay Xander na pupunta ako.. so, yeah.
Mga 2 in the afternoon pa naman magsisimula yun kaya nag-isip muna ako ng pagkakaabalahan. Facebook. Tumblr. Youtube. FTalk. Kain. Hay, ang bagal ng oraaaaaas.
Then may nag-text. HAHA, si Vice Ganda siguro 'to. XD
EoUwHz pFouwHsz! As@WHn nAuH pfOUh kAuH? J3j3j3. XD HAHAHA.
Si Xander. Yuck, Jejemon. HAHA.
Dito pa sa bahay. Maya-maya pupunta na ako dyan.
Then nag-reply lang siya ng "K" kaya di na ako nag-reply. Sayang naman kasi load ko eh. Haha.
After 15 mins, off I go na papunta doon sa venue.
Naghahanap ako nang mauupuan when I suddenly saw someone familiar, eh siya lang naman yung kilala ko kaya lumapit na ako sa kanya.
"Paupo ah?" I said.
He nodded. Umupo lang ako sa tabi niya and sighed. Tapos hinahanap-hanap ko si Xander, wala pa pala. Hehe.
I stared at Jared. Hm, napansin ko lang ah, lagi na lang 'to susulpot-sulpot. And kung nasaan kami ni Xander, nandoon din siya.
"Stalker ka ba?" I asked him.
Tumingin siya sa akin. "Bakit, stalk-worthy ka ba?"
"Tsk. Baka naman talagang may gusto ka kay Xander ah?"
Hindi siya nag-reply. Hala, baka totoo nga. XD Tapos after 5 seconds, he smiled.
"Miss Tan, kung bading ako.. bakit parang may gusto ka sa akin?"
"Huh? What? Sino naman ang nagsabi sa iyo niyan?"
"Idk but.. lagi mo kong nilalapitan."
"Ang.. kapal mo! Hay, bahala ka nga dyan."
He just shrugged, tapos back to normal robot self ulit siya. Bakit kaya ganito yung taong ito, minsan ngumingiti naman siya pero.. alam mo yun? Mukha talaga siyang robot eh. He's so expressionless.
Then magsisimula na yung game. Name ng team nila Xander is Sea Turtles. Hm, hindi ko nga alam kung sino ang nakaisip ng name na iyan eh. Turtles? Diba mabagal yun?
Nung lumabas si Xander, ang daming naghiyawang girls. Grabe, nakakabingi. Aigoooo~
Well, nanalo nga sila Xander. Obvious naman yun eh, lagi naman silang nanalo.
Nilapitan naman agad ako ni Xander, nasa labas na ako nun eh, kasama ko si Jared.
"Congrats, Xander." I smiled.
"Audrey, Jared, libre ko kayo. Haha."
Jared and I nodded tapos pumunta kami ng McDo. Yung nag-order si Xander eh.
Ang tahimik lang, kasi nga diba? Ang tahimik ni Jared.
Then suddenly, biglang nagsalita si Jared. "Hey.."
"Hm?"
"May gusto ka kay.. Xander?"
Nagulat ako doon ah. Namumula na ata ako. "H-huh?"
"Bakit ka namumula?" he asked me. Yan na naman, ngumingiti na naman siya.
"Erm.. hindi naman eh. Bulag ka lang."
"So.. you really like him?"
"WALA. WALA AKONG GUSTO SA KANYA, OKAY?" Hay, halata bang may gusto ako kay Xander? Hindi naman eh. TT . TT
BINABASA MO ANG
Something More
Teen FictionWhat if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audrey. She developed feelings for her best friend, Xander, pero little did she know..