This is where my heart leads me. This is the right thing to do.
"J-jared.." I called as soon as narating ko na yung Yeti Plaza, trying to catch my breath. Nandoon siya, nakatayo sa may isang lamppost. When he heard me, he quickly turned at agad siyang nangiti. He approached me and pulled me for a hug.
"I knew you would come." sabi niya. Sa boses niya, alam kong naiiyak na siya ngayon."Syempre naman.. Pupuntahan talaga kita." I replied.
He smiled. "Alam mo Audrey.. you're my first love. Hindi ko alam pero ang espesyal mo talaga sa akin. Pakiramdam ko ikaw talaga ang babae para sa akin. And you know Audrey? I think mali ka nang pinuntahan."
I stopped. Napatingin ako sa kanya. Hindi ba siya naniniwalang siya ang pinili ko at hindi si Xander? "Pero.. Jared, ikaw ang pinili ko. Ito ang tamang gawin."
Nginitian niya ako. "Yes, ito ang tama kasi tayo eh.. pero hindi naman ako ang tinitibok ng puso ko. I knew it from the start. Kaya nga kinausap ko si Xander tungkol dito, so you can make up your mind. Tumanggi nga siya eh, pero pinilit ko siya. Alam ko naman na pupuntahan mo ako, at sasabihin mong ito ang tama. Pero, Audrey, kaya mo bang manatili kasama ang isang taong hindi mo naman talaga mahal?"
"Pero kaya kitang mahalin Jared! Kakayanin ko!"
"No, Audrey. Kahit na matutunan mo pa akong mahalin.. may mas malaki pa ring parte dyan si Xander sa puso mo. If you truly love someone, then you could give your whole heart.. kung mahal mo siya, kahit na masakit at mahirap, ibibigay mo pa rin eh. And Audrey, alam kong para kayo ni Xander sa isa't-isa. Hindi ka ba nagtataka kung bakit kahit lumipas na ang ilang taon, patuloy kayong pinagtatagpo ng Diyos at pareho niyo pa ring mahal ang isa't-isa? Audrey, si Xander.. he loves you so much. At sa kanya ka sasaya."
"Jared.." I wiped my tears off. "Salamat.. nang marami.."
"Sige na, go." he told me and I nodded. I hugged him for a moment, and naglakad na ako palayo sa kanya. Nang malayo na ako, I turned to look at him one last time.. and I saw Jared broke down and cry.
Pumunta na ako sa may park. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Xander, kung matutuwa ba ako o ano? Pero bahala na nga.
I took a deep breath, and nang lalapit na ako sa kanya, I realized he isn't alone.
Nandoon si Elaine, and.. nagyayakap sila ni Xander. And worse, they look really happy.
BINABASA MO ANG
Something More
Teen FictionWhat if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audrey. She developed feelings for her best friend, Xander, pero little did she know..